Part 54 - Respectful goodbye

587 10 11
                                    

Sorry naman dahil naging abala si inday mga sis! hehehe thank you sa pag hihintay!

Kasalukuyang nasa meeting room ang iKon at Winner nang biglang buksan ni Junhe ang TV dahil wala pa naman sina YG, Jiyong at Young Bae. Ang mapapanood na nila ay ang replay dahil naka live ang mga ito kahapon.

''Oh! Irene noona!'' sigaw ni Junhe kaya napatigil ang magkakaibigan sa pagkwe kwentuhan, naging seryoso naman ang mukha ni Mino at Hanbin habang nakatutok sa pinapanood.

Hindi makapaniwala ang mga magkakaibigan sa napanood kaya agad na tinanung si Mino dahil parang totoong totoo lahat ang sinabi ni Irene.

''Hyung.. totoo ba yun?'' biglang tanung ni Chanwoo kay Hanbin dahil alam nilang may gusto nga ditto ang dalaga,  tango lang ang sagot nito sabay lingon kay Mino.

''Hyung, yung sainyo ba?''

''Ne'' seryoso at tipid na sagot ni Mino na sinabayan nang tayo at wala ni isa ang sumubok na sundan dahil alam nilang napaka seryosong bagay ang nangyare, napansin din kasi nilang ilang araw na itong wala sa mood.

Malungkot namang tinungo ni Mino ang kanyang sasakyan at naupo doon nang ilang minuto bago may naisipang tawagan.

Nang makarating ito sa may tabing dagat ay puro malalim na buntong hininga lang ang nagawa ni Mino lalo na nang makita niya ang babaeng tinawagan na agad dumating.

''Waso'' nakangiting bungad ni Mino kaya napangiti na din si Irene.

''Ne''

''Uhmm'' nakangiting abot ni Mino sa paborito nilang inumin, umupo naman ang dalaga sa tabi nito nang hawakan ni Mino ang isang kamay niya.

''Dito nagsimula ang lahat.. kung hindi sana kita niloko loko nun sana hindi ka nasasaktan ngayon.. sa isang taon na nakasama kita.. you thought me how to love myself.. tinuruan mo din akong bigyan nang pansin ang mga tao sa paligid ko.. mas naging masiyahing tao ako.. hindi na mainitin ang ulo ko at higit sa lahat.. you also made me believe about unconditional love.. yung pagmamahal na hindi kelangan nang kapalit.. pero ngayon masasabi kong ikaw yung pagkakataon na sinayang ko..'' '' seryosong sabi ni Mino habang napapabuntong hininga lang si Irene.

''Minahal ko si Chae nang higit pa sa sarili ko.. binuo ko ang pangarap ko na kasama siya.. she's my first love.. the first woman in my life.. kaya nang iwan niya ako para akong masisiraan nang bait.. parang nawala ako sa tamang landas.. para akong nawalan nang mapa sa buhay.. walang saysay yung mga ginagawa ko.. ganung feeling.. kaya nag rebelde ako.. tinanim ko ang sakit na ginawa niya sa puso ko at sinabi kong ayaw ko na.. pero nung makita ko siya ulit at tayo na.. para akong unti unting nauupos na kandila sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak nang dahil sakin.. nasasaktan ako sa tuwing sinisigawan ko siya at para akong sinasakal sa tuwing kasama kita at nasa harap natin siya.. '' tumutulo na pareho ang luha nila nang mga oras na yun.

''Ganun ko siya kamahal.. at ansakit sakit'' umiiyak nitong pag amin.

''Gulong gulo ang utak ko.. ayokong iwan at saktan ka pero parang yun ang nagawa ko sa loob nang isang taon natin.. but believe me.. mahal kita.. importante ka sakin..''

Pinilit naman maging malakas ni Irene dahil naiintindihan niya si Mino.

''Shhh... it's okay.. desisyon ko naman na maghiwalay tayo..''

''Irene... I'm really sorry.. I'm really sorry.. Mianhe-yo'' umiiyak na lumuhod si Mino kaya lalong napaiyak ang dalaga.

''Shhh.. please.. you don't have to do that'' sagot nito at pinatayo ang binata nang bigla siyang yakapin ni Mino.. mahigpit at punong puno nang respeto.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now