Part 68 - Seungri's wife

684 9 5
                                    

''Aki bakit hindi mo muna tinanung sakin? you declined it right away'' frustrated na tanung ni Seungri kay Akira na kapatid nito sa ama.

Namatay ang ina nito sa isang aksidente sa Japan kaya ang ina na din nila ang nagpalaki at tinuring sariling anak sa binata. Matagal munang nilihim nang magulang nila si Akira at inuwi bago siya ikasal. Hindi naman naging mahirap sakanila na mahalin at tanggapin ang bunso dahil sobrang bait ni Aki at kitang kita nila ang pagmamahal niya sa kanilang ina kahit hindi ito ang tunay niyang ina. Ni minsan ay hindi rin nila pinaramdam na galing ito sa ibang ina dahil sabik din silang magkaroon ng bunsong kapatid, like his daughter Baylee.. mixed nationality din si Akira dahil half Japanese at Korean ito.

Pogi din si Akira, saktong tangkad, manipis na labi, maputi matangos ang ilong halos kahawig daw talaga ng kanyang kuya sabi ng YG family.

''Cause  they want you hyung and I know you can't be there.. '' sagot naman nito.

''Yeah I know but I told you it's case to case basis didn't I?''

''Sorry hyung.. won't happen again'' apologetic na sagot ni Akira.

''Mianhe.. it's just an opportunity for all of you.. specially to you.. you know that I want you to be the CEO in the near future.. kapatid kita and I want to give you the best '' apologetic din na sagot ni Seungri.

''Tell them I'm available but only for the first night.. the rest let our DJ's do some job.. cause you know I want our talents to perform and make them known not because of me but because they got their own unique skills just like what I saw from you... I'll talk to your noona'' seryosong sagot nito dahil totoo naman, maraming talents si Seungri na inaalagan dahil gusto nitong makatulong sa mga walang kakayahang magpundar ng gamit at pang simula. Suportado naman ito ni Bea pero napagkasunduan nilang hindi na siya mag D DJ at mag fo focus na lang sa kanilang pamilya at YG.

''Okay hyung.. harigatu'' sagot ni  Akira at nagpatuloy sa pag re review nang iba pang events.

Habang abala siya sa pag pipirma nang iba pang kontrata ay nakita niya ang isang famous fashion event.

''Ya dongsaeng''

''Ne hyung?''

''Anung meron dito? nakipag meeting kana ba?'' tanung nito sabay taas nang envelop.

''Ah! hindi pa hyung, actually ang gusto nila jan tandem kayo ni Alyana noona, okay siya pero ewan ko ba hyung ibang feeling ko jan sa event na yan'' weirdong sagot nito kaya natawa nang bahagya si Seungri dahil marami talaga ang nakakapansin na magka ugali sila.

 Madalas din mag part time si Akira at binibiro na kunin itong artista pero tila ayaw ni Seungri na pumasok ito sa showbiz at ganun din naman si Akira, mahilig ito sa pagnenegosyo na kuhang kuha nito sa kuya niya.

''Waeyo?'' kunwaring tanung nito.

''Fashion show nila yun eh tapos kelangan tandem kayo pwede naman siya lang diba? ''

''Are you jealous?'' biro nito at lalo itong natawa sa itsura nang kapatid.

''No! not even my type!''

''Wooh sabi mo lang yan! tsaka kung makatingin ka kay Nancy'' biro nito dahil schoolmate niya sa University si Nancy ng Momoland.

''Di kaya! iba ang type ko no! parang kay Bea noona'' maktol nito kaya napapailing na lang si Seungri, kahit kasi ilang taon pa lang nila ito kasama ay madalas itong nasa bahay nila at tinutulungan ang asawa sa pag aalaga kay Baylee.

''Eh sino nga?!''

''Basta!''

''Sige na sabihin mo na malay mo ilakad pa kita'' pang aasar parin nito.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now