Part 57 - Bigbang's wifey's

708 12 4
                                    

Eto na mga kapatid sa pusong YG family!!! thank youuuu kasi andami parin nating rank kahit hindi ako nakaka update masyado.. pasensya na at si inday ay abala! namiss ko mga comments niyo!!! :)


Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha nang Bigbang nang magkita kita sila sa port. Pinayagan kasi sila nang kani kanilang mga asawa for an overnight getaway kaya nag renta nang Yacht ang lima.

''Wohooo!! Day off ng mga daddy!!!'' masayang sigaw ni Top kaya natawa na din ang apat.

''Haaay! Bote ng alak ang hawak ko magdamag!!'' tumatawa namang sagot ni Jiyong

''Walang diapers!!! Unan lang!!!'' sigaw naman ni Seungri,

''Hindi ako babangon nang maaga!!!'' sigaw din ni Young bae pero pagdating kay Daesung ay lalo silang natawa.

''Sana huwag munang manganak si Minzy nang de oras!''

''Boya hyung!'' tulak naman ni Seungri

''Lately kasi sumasakit na ang tiyan nya eh.. ayaw nga akong payagan kanina pero nang sinabi kong sa Seoul Garden siya matutulog kulang na lang itulak ako eh.. namiss niya daw ang mga bata'' natatawang sagot nito, matutulog kasi ang kanilang mga asawa sa bahay nina Top.

''Si Dara nga nagbooked na agad nang ticket pa Philippines! sige na lang para payagan akong mag overnight'' tumatawa ding sagot ni Jiyong.

''Matindi rin si Bea! siya nag impake nang damit ko to make sure na hindi tayo aalis nang yacht''

''Huwag kayong mag alala dahil pag tayo bumaba sa yachte na to, babalatan ako nang buhay ni Jenny'' sagot ni Top kaya lalo na naman silang nagtawanan.

Pare pareho kasi nilang alam na sa loob nang kanilang pamamahay.. mga asawa nila ang boss..

Earlier..

''Yeobo.. medyo matagal tagal na rin kaming walang boys out ah'' pasakalye ni Top habang pinapatulog ang anak.

''Uso pa ba yun?'' kunwaring sagot ni Bom na abala sa panonood.

''Yeobo.. mag day off naman ako'' maktol ni Top kaya natatawang humarap si Bom.

''Abah! Makahingi ka nang day off ah.. ako nga walang day off.. ikaw tong laging nasa labas''

Natawa na din si Top ''Syempre naghahanap buhay ako.. yeobo''

''Ah so ako hindi ganun?' oh ikaw ang umattend sa mga business meetings ah.. kaw pala naghahanapbuhay eh'

''Hindi naman sa ganun.. '' tatawa tawang lumapit si Top at hinalikan ang asawa kaya bumangon na naman si Jerry.

''Eh anu nga???'' kunwaring maldita nito.

''Ako ang panganay tapos ako pa ang hindi nakakalabas.. yeobo.. once a month na nga lang eh'' maktol ulit nito kaya lalong natawa ang asawa sabay bato nang unan.

''Omo! aigooo pakahusay talaga mag inarte makalabas lang eh no?! oh siya at dahil panganay ka ikaw din ang sasagot sa mga asawa nila ha????? pag kayo gumawa nang kalokohan, ikaw ang babalatan ko nang buhay.. hindi ka lang sakin malalagot.. arosso???!''

Tumatawa namang yumakap si Top sa asawa.

''Aigooo!!! ako pa ba??? tska for the boys lang to no!! nakuuuuu ang asawa ko, napaka maldita.. gomawo! saranghae  yeobo'' malambing na pasasalamat ni Top sa asawa.

Jiyong's scene..

''Baby nagmessage si Top hyung, may outing daw kami'' nakadapang sabi ni Jiyong habang seryosong nanood ang kanyang mag ina.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now