Part 72 - Mommy's back!

689 18 5
                                    

Ready na kayo tumawa at kiligin?!! hahaha eto na!!! Enjoy reading guys!!!


Pagpasok na pagpasok pa lang ni Dara sa kanilang bahay ay agad na nitong hinanap ang anak.

''Jiji!!!'' sigaw nito at nagmamadaling tinungo ang kwarto nang mapansing nakatulog ang kanyang mag ama sa labas at napangiti naman ito nang makitang magkayakap ang dalawa at kinuhanan pa niya ito ng picture bago nag post.

''Mommy missed you both so much'' - KwonDara

''Jagiya'' mahinang yakap nito sa asawa

''Hmmm'' ungot ni Jiyong sabay haplos sa mukha nang asawa.

''I miss you'' balak nitong umikot nang mapansin na gumalawa ang anak.

''I'll kiss you later'' antok na sabi nito at niyakap ulit ang anak nang mapansin ni Dara ang band aid kaya bumangon ito at lumipat sa tabi ng anak.

''Jiyong, anu to?'' dito naalimpungatan si Jiyong

''Ah kasi.. nauntog''

''Mwo?!! panu?! san?! ganu kalaki yung sugat?!'' tarantang tanung nito sabay buhat sa anak na mahimbing parin sa pagtulog.

''Baby.. wag kang maingay pagising gising kasi kami''

''Sinasabi ko eh! sabing hindi na nga aalis eh!'' asar na sagot ni Dara sabay tayo at tinungo ang kanilang kwarto at nilapag ang anak sa sariling sleeping crib.

Pupungas pungas namang bumangon si Jiyong at nakitang alas diyes na pala nang umaga.

''Jagiya, pagtimpla mo naman ako ng kape please'' pakiusap nito pero wala itong naririnig na sagot kaya siya na ang gumawa.

''Sandara'' mahinang tawag nito nang lumabas ang asawa at nakapambahay na.

''Anu un Kwon Jiyong?'' malditang tanung nito kaya natawa siya.

''Kwon ka na din kaya.. mommy naman.. hindi ko talaga sinasadya..''

''Isang beses mo na nga lang binantayan ng buong araw ganyan pa nangyare.. nilagnat ba?'' malditang tanung nito.

''Hindi naman masyado''

''Kelangan natin yan ipacheck up baka kung anu nangyare sa ulo niyan''

''Hindi naman siya nauntog eh.. na out balance nahagip ng halaman'' paliwanag ni Jiyong.

''Panu nga siya nakarating doon?!'' nakapa mewang na tanung ni Dara habang nag aayos nang lulutuing agahan.

Natatawa namang yumakap mula sa likuran si Jiyong at hinahalikan sa batok at pisngi ang asawa.

''Nadala ako ng ulan kaya nakatulog din ako.. sorry na..''

''Sinisi mo pa sa ulan! diba kabilin bilinan ko sayo lagyan..'' hindi natapos ni Dara ang sasabihin nang sabayan siya ng asawa.

''lagyan ng playpen fence pag iiwanan''

''Memorize mo pala eh! anung nangyare?''

''Sorry na po.. nagsorry na nga din ako kay Jian eh with bow pa'' kunwaring nakasimangot nitong sagot

''Arosso.. arosso''

''I love you mommy!!!! wag mo na kami iiwan ah!!''

Dito na natawa si Dara sabay harap sa asawa na may hawak na sandok.

''Yan! yan! kaya mo ah... oh ngaun? alam mo na kung panu ako mag isa dito sa bahay?''

Bigla namang nagbow si Jiyong sa asawa ''Gumabsamnida Mrs. Kwon Sandara.. magiging mas mabuting ama at asawa pa po ako''

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now