CHAPTER 36 - FINAL

179 8 0
                                    

Pumunta ng Sanctuary sa itinalagang oras.

"Gabi na, Jill. Still cleaning up?" Salubong ko kay Jillian sa paglilinis nito sa isang artpiece ng gallery.

"May nakita lang akong unwanted dirt," mahaba ang ngusong sabi.

"Kawawang dumi, unpermanent."

"You look blooming, Trina," pag-iiba ng usapan.

"Ikaw din."

Pagkasabi ay biglang tumaas ang kilay at namula ang pisngi. Ngumiti din pagkatapos at tumalikod, pumasok sa pinakaloob ng gallery.

Ang sarili ay pumunta sa main office para tumuloy sa lower ground. Naabutan sa living room si Sapphire na may subong lollipop sa bibig habang nakaharap sa laptop. Katabi ay si Cleofford na nakahilata at natutulog.

Magandang kuhanan ang lalake ng litrato at ibenta sa fans nito. Siguradong kikita ng million.

Sa kabilang sofa ay si Wayne, tutok sa mga papeles sa harapan at nakaupo na parang reyna.

Sa isang gilid ay si Gerari, seryosong nakatitig sa electronic tablet. Lumapit ako sa likod niya at nakita ang mga larawang naroon.

"Panget ang kuha mo. Bakit hindi ka na lang humingi sa kanya ng pictures?" Ang nasa isip ay si Jillian.

"Hindi ako bibi--" Biglang lumingon at tinago ang hawak. "Why are you spying behind me?" Iritado ang boses at namula ang mga pisngi.

Ang masungit na spy, ngayon ay may blushing effect pa.

"Nasa gallery siya, by the way," sabi ko.

Natigilan at parang hindi mapakali. "Why she's here? I thought she's busy?" Kausap ang sarili at hiwalay sa katawan ang ginagawa. Nasa out of the world.

"Trina, have you seen the news?" Agaw ng pansin ni Sapphire.

Nilapitan ko siya. "No, I'm busy with my boyfriend."

Mabilis napatingin sa akin si Wayne at ganoon din si Cleofford, gising na pala. Baka dahil sa ingay ng isang tao sa tabi.

Binigay sa akin ni Sapphire ang National Newspaper. Pagtingin sa front page ay ang larawan ng congressman, parehas na tao mula sa Zele Avenue Hotel. Natagpuang patay sa sasakyan nito. Ang caption ay ambush malapit sa mismong bahay kasama ng bodyguards.

Ang killer?

Ang Black Diamonds.

How come?

Katabi ng caption ay ang madilim na larawan ng mga taong nakasuot ng itim. Ito marahil ang basehan nila. Kagaya kung paano manamit ang mga katulad namin.

"Bakit ganito?" Tanong ko.

"They duplicate us," sagot ni Wayne.

Duplicate? "What shall we do then? Mas dadami ang forces sa maghahanap sa atin."

"You are right," si Sapphire ang nagsalita. "We're going to triple-check all the previous missions if there are left-behinds and set more protective measures to our hideouts even to the simplest object. Also, every member should know who is after us."

"Ganoon ba?" Ito na lamang ang nasabi, "So, let's start to work."

🖤🖤🖤

Natambakan pa lalo ng mga gawain. Ito ang solusyon sa kahihinatnan.

"May sakit ang friend ko, si Sapphire. I could not make it, she needs me. Is that alright with you?" Ang sariling dahilan mula sa pagyaya ni Ezekiel makipagkita. Tsk.

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNWhere stories live. Discover now