CHAPTER 4 - LOVE LETTER

6 0 0
                                    

Binigyang panahon ang ibang libangan.

"Hi, naghintay ka ba?" Excited lumapit.

"No," tipid kong sagot kay Zandro.

Ngumiti ng malaki, kita ang mapuputing ngipin. "Halika na."

Sumabay sa paglakad at marahan akong ginabayan papuntang club ayon sa imbitasyon nito kanina. Parang babasaging pinggan ang asal nito sa akin.

"Welcome sa Royalty Club!"

Sabay akay nito papasok sa isang silid sa department ng education. Malaki ang loob at malawak. May mga tao at kapansin pansin ang pagiging glamoroso at mamahaling suot nila. May mga musical instrument at malalambot na upuan.

"Dito ang tambayan namin, approved ito ng Presidente. Inaasahan naman niya kami kapag may occasion at nagbibigay kami ng pangalan sa school na 'to."

"Hello! Totoo nga Zandro ang sinasabi mo sa amin!"

"Akala niyo kasi puro ako loko, matino akong tao!"

Halata ang tono nito.

"Hi, I'm Lester the Student Council President at your service," sabi ng tsinitong lalake pero namimilog ang itim na mga mata, mabilis nakalapit.

"Oops, I'm Cholo," sabi naman ng matangkad na lalake ng hindi itinago ang paghanga. "Kung gusto mo bigyan kita ng tour bukas dito sa buong school."

Sumingit pa ang isa, "By the way, I'm Sheena Mae. I'm the Miss University here. Sigurado ang panalo mo this year kapag sumali ka," sabi naman ng matangkad na babaeng mula ulo hanggang paa ang panunuri. Mayroon itong magandang hugis ng katawan.

"Kokonti na lang kami dito, almost half ay graduates na. If it's okay with you to join us?" Tanong ni Zandro.

Siguro kanina pa balak imbitahan ako or baka noon pa, kaya, "I could be with you guys but not all the time and I'm not into playing instrument or singing," direktang sabi sa kanila at ipinakita ang normal.

"Ohh, it's not a problem. Your presence is greatly appreciated!" Sabad naman nung Lester.

Member na hindi member. Pero atleast may 'pagkaabalahan' akong iba dito sa school. "Okay, that will be fine," with kindness. Nagpaalam saglit sa mga ito para pumunta ng restroom. Pagbalik ay medyo may kadiliman na sa loob ng room. Mahihirapan ang mga tao rito hanapin at ibalik ang sirang koneksyon. Expected dahil sa sariling specialty.

"Oh! We're sorry, Trina, for inconvenience. Hindi kami informed na may power interruption pala," sabi ng isa doon. Hindi nito pansin sa kabilang room ay may ilaw at maliwanag.

"It's alright," nang may ngiti sa mga labi. Saka nagpaalam sa kanila na uuwi na.

Hinatid ako ni Zandro kung saan naka-park ang itim kong sasakyan. Tinanggihan pero mapilit. Napansin maraming tumitingin at lumilingon sa amin lalo ang mga babae. Sikat yata ito.

"Bye, see you tomorrow, Trina," nakangiting sabi at tumalikod habang nakalingon pa rin ang ulo. Kulang na lamang ay nasa likod ang mukha permanently.

Nang malayo na ito ay saka binuksan ang pinto ng driver seat. May dumaan sa pakiramdam. Hinanap iyon ng sariling paningin at ang sumalubong ay ang mga matang matiim ang titig sa akin. Normal na para sa sarili ang iba't ibang titig na ibinibigay ng mga tao, pero sa oras na ito ay biglang nahagip ang sariling paghinga. Ilang distansya mula sa sarili hanggang sa taong may ari ng mga matang iyon ay parang napako sa kinatatayuan. Kasabay ay ang natural ng ikot ng pag-iisip, mula sa mga mata napunta sa buong anyo ng mukha nito, pati ang tindig, kasuotan at hinahawakan, recorded ng isipan kahit pinakamaliit lamang ng paningin ang napunta doon.

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNWhere stories live. Discover now