CHAPTER 31 - LETTING GO

351 11 0
                                    

Pagkatapos ng dalawang linggo o sa ilang araw ng pagsisimula ng bagong taon ay balik klase muli.

Sa unang linggo ng klase ay mabilis kumalat ang mga naganap sa nagdaang conference. Nakapaskil ang malaking banner ng congratulations kasama ang pangalan ng mga nakalahok. Mas naging sikat pa kaysa sa royalty club ang mga tinaguriang genius ng school. Kumalat din ang ilang videos ng activities sa hotel, pati ang naging partisipasyon sa nangyari.

Iwas ang sarili sa mga mata ng karamihan dahil lahat ng nilalakaran sa loob ng campus ay usapan ang naging main event. Iyon ay kung paano napunta sa top ang school. Halos lahat ay nakakaalam na yata.

Kaya ang buong maghapon ay palaging nakatutok sa pag-aaral para makaiwas sa mga tingin. Habang dito ngayon nakaupo sa bench na tambayan ni Ezekiel. Piniling magbasa ng advance electrical engineering book habang naghihintay sa usapang magkita sa lugar na ito pagkatapos ng klase. Buong konsentrasyon ay pinapasok ang mga naiintindihan at natutunan. Sa tabi ay sketchpad at napuno iyon ng kung anu anong take down notes. Naputol ang pag-aaral nang makita mula sa malayo ang papalapit ng pigura ni Ezekiel. Ang salaming suot sa mata ay inayos dahil bahagyang nawala sa pwesto.

Walang emosyong ipinagpatuloy ang pag-aaral.

Tahimik din ng umupo ang lalake sa bakanteng espasyo. Nang bahagyang napunta ang paningin ko sa kanya ay napansin nakatitig sa unahan sa malalim na pag-iisip.

Sa ilan pang sandali ay nagdesisyong unang magsalita, "Balak kong umuwi ngayon ng maaga," kasabay iniligpit ang mga gamit.

"Huwag ka muna umalis, dito ka muna sa tabi ko," sa seryosong tono.

"Sa sunod na--"

"Marami akong gusto itanong sa iyo," sabay humawak sa kamay.

Piniling tumigil para pagbigyan ang hangarin nito.

"Bakit hindi ka nagpakita sa akin ng ilang araw?" May pagmamakaawa sa tono ng boses.

Inalis ang salamin sa mata at tumitig ako sa kanya. "Miss na kita," mula sa totoong nararamdaman ng puso.

Huminahon ang kaanyuan. "Ako din," sinserong sinabi.

Ilang sandaling walang imikan habang nakatitig sa isa't isa.

Ako ng una, "Akala ko marami kang itatanong sa akin?"

Sa tanong na iyon ay bumalik ang dating anyo ng mukha. Matagal bago nagsalita, "Bakit ang pangalan ko ang ibinigay mo para matanggap ang reward ng school?"

Straight to the point.

"Nagtanong ka na rin ba kay Yeri kung bakit pangalan mo rin ang inilagay niya?"

"Naka-usap ko na siya pero bakit ako ang pinili mo?"

"You deserve it."

"Hindi ko maintindihan, Trina."

Tsk. "Ano ang mahirap intindihin doon?"

"Bakit hindi mo sa akin sinabi una pa lang?"

"Surprise," kumuha ng hangin dahil hinanap ng loob. "Ikaw ang hindi ko maintindihan, you should be happy."

"Happy para saan?"

Tsk. "Nakuha mo ang opportunity pumunta sa ibang bansa para mas mahasa ka pa sa kurso mo. Hindii ba iyon ang matagal mo ng gusto? Ang maahon sa hirap ang pamilya mo?" Diretso ko na rin.

Pero frustrated ang anyo.

Binigyan ko ng ngiti. "Kahit internship, may income ka pa rin. Mayroon din opportunity para makapagtrabaho ka doon dahil maganda ang record mo. Ganoon ang nangyari sa mga unang estudyanteng ipinadala ng school," ng walang pagkukunwari, "happy ako para sa'yo."

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNWhere stories live. Discover now