CHAPTER 8 - HARDWORKING STALKER

184 10 2
                                    

Hindi nagpaabot ng midnight, madaling natakasan ang tatlong lalakeng umaligid sa bar. Iniwan silang lahat, mahirap baka mahipuan pa.

Umuwi sa apartment. Naglinis ng mga bakas dahil kanina. Nang matapos ay muling binuksan ang laptop at nagkonekta sa linya ni Emerald. Nakuha ang permission nito at natanggap ang mga pinag-usapan sa meeting. Pinakatitigan iyon habang nag-iisip. Agad din nag-umpisa sa plano ng sunod sunod para sa gagawing paghahanda.

Sa school.

"You are late, Ms. Villan."

Tsk. I know.

"Your test paper is here and sit at the back. Unfortunately, our time left is only thirty-five minutes, so make sure to submit that on time."

Nagbigay ng tango sa instructor. Kinuha ang test paper at umupo sa hulihang bakante. Agad nagsimula pagkahawak ng ballpen. Nagbasa ng mabilis at isahan, naglalagay ng sagot ayon sa naalalang pinag-aralan.

Hanggang matapos. Nakayuko pa rin lahat ng kaklase.

Para walang makapansin at normal ang lahat, yumuko rin at naghintay sa anyong sumasagot pero ang isip ay nasa mga ginawa sa loob ng tatlong araw at kanina lamang natapos. Hindi akalain mahirap ang undo ng traps at safe. Pinag-aralan ng maigi kung paano malagpasan ng martial at protector ang mga iyon ng walang aberya. Plan A to X ang strategy galing kay Emerald.

Tsk. Sleepless night.

Natapos ang exam. Sumabay tumayo at nagpasa ng papers.

Nang mapadaan sa department bulletin board, napansin ang malaking announcement, isang tour poster. Ito yung nadaanan kaninang pinagkumpulan ng maraming estudyante. One day tour sa isang construction company at sponsored ang expenses sa mga interesadong sasama. Pupunta rin sa construction site.

Open at hindi requirement. Not needed.

Umalis doon at balak mag-aral sa isang tabi para sa sunod na exam. Sa kabilang hallway ay nakita ang iniiwasang nilalang. Sinundan ko ng tingin hanggang lumiko papunta sa hagdan, dumaan nga roon. Offices at faculties ang nasa itaas.

"Totoong sila ba talaga? Ni hindi nga makitang nagsasama."

"Shh, hinaan mo boses mo. Eh di ba kaya nga secret so hindi showy."

Narinig ang usapan nang mapadaan sa dalawang estudyante sa tabi. Mahina pero malakas ang pandinig kaya malinaw ang bawat salita. Binalewala dahil walang pakialam at hindi naman totoo.

Naglakad pero ang pinupuntahan ay sa direksyon kung saan ang hagdan.

Tsk. Wrong direction of the mind.

Nag-iba ng landas. Pero naisip bumalik sa may hagdan at magbakasakaling maghintay. Napangisi sa naisip na balak. Ang madapa ang lalakeng iyon. Mga hindi katagalan ay naramdaman may pababa kaya tumabi muna sa sulok.

Pababa nga ang taong inaasahan. Nakikitang mukhang masaya dahil may ngiti. Napatitig sa mukhang hindi natatakpan ng anyo ng kalamigan kapag may tao sa paligid.

Curiosity really endangers the cat.

Nang makababa ng hagdan, mula sa likod ay tahimik naglakad. Nang dumating ang pagkakataon ay kinuha sa kamay nito ang dahilan kung bakit nakangiti.

Ngayon ay naglaho na.

Binasa ko ng mabilis ang nakasulat sa papel. Form para sa darating na tour. Inagaw pabalik ang papel at tumitig ng hindi makapaniwala. Itinago agad ang papel.

"Meron pa bang slot?" Tanong ko.

Lumapit ng may masamang tingin, "Flirt," bulong lamang, "sa office ka magtanong hindi sa akin," at saka tumalikod.

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang