CHAPTER 15 - MISSION

151 8 0
                                    

Kinabukasan ay pumunta sa Parañaque, sa Alicia Heights condominium. Ang suot ay simpleng plain black summer dress, mahaba ang sleeve at bagsak ang laylayan, umabot sa tuhod. Pinareha ang kulay itim na high heels sandals. Nakalugay ang medyo wavy na buhok.

Naalala ang bilin ng kapatid, ang isuot ang contact lenses ng grupo. Kaya nakasuot din ng itim na sunglasses. Sa tenga ay nakakabit ang munting itim na perlas bilang komunikasyon. Mapapansin, halos matakpan ang kalahati ng mukha dahil sa sunglasses. Siguro may mission kaming pupuntahan.

Pagpasok sa unang palapag, sa lobby ng mataas na gusali ay may mga ilang taong naroroon. Lahat ay nagpapakita ng karangyaan sa buhay. Malinaw sa paningin ang mga mukha nila at may nakitang baril na nakatago sa damit ng isang lalake sa tabi ng may katabaang babae. Maaari ay bodyguard ito. Sa kabila naman ng mga pader ay nakikita ang opisina ng mga nagtatrabaho dito.

Dumiretso ako sa nakalinyang elevator at pinili ang nasa gitna. Pinindot ang open button at hinintay bumukas. Pero bago mangyari ang hinihintay, nang bigla nagkaroon ng ingay mula sa lobby. Sigaw ng babae at pagtumba ng kung anong matigas na bagay. Paglingon ay may nagsidatingan ng grupo ng kalalakihan, nakadamit pang executives pero may mga hawak na baril.

Silencer.

Nakabulagta sa sahig ang lalakeng bodyguard, ang may nakatagong baril kanina. Nagkalat ang pulang kulay sa dibdib at sa itsura pa lamang ay patay na.

Gulo ito. Tsk.

Tahimik pumunta dito.

Makaiwas nga.

"WALANG GAGALAW AT TAHIMIK! LAHAT PUMUNTA DITO AT DUMAPA! SUNOD!"

A command.

Ibinalik ang tingin sa elevator.

Tsk. Hindi humahawi ang pintuan ng elevator.

Naramdaman ang pagdating ng iba pa. Nilingon ko sila muli at nakitang may ilan pang nagsidatingan. May mga takot sa mga mukha ng mga taong pinapadapa, may ibang lahi at ang iba ay mga anak mayaman. Pinasok din ang opisina at pinalabas ang mga empleyado. Sumunod ang lahat, pinaikutan sila ng mga kalalakihan at pinagtutukan ng mga baril dahil bawat isa ay may hawak.

"Tawagan mo si Villagomez. Papatayin natin isa isa ang mga nandito kapag hindi pa siya pumayag!" Nakangising turan ng lalake, "umpisahan mo ang pagkuha ng video, siguraduhin mo yung hostages lang."

May nakakita sa akin dito sa kinatatayuan.

Tsk. Ngayon lang nila napansin ang isang katulad ko.

Tatlo ang tumutok na baril. Ang isa ay nagsalita, "Ikaw! Ano pang tinatayo mo dyan? Bingi ka ba?"

Lahat ay halos tumingin sa pwestong ito.

"Trina, you are just on time," at tumawa, "did you see the leader, the one who has this beard and is kinda handsome? Get the keys and his phone... alright?"

Tsk. Boses ni Acelus mula sa black pearl.

"And if you want, patumbahin mo na rin lahat. Request ng manipulator natin," tumawa muli.

Tsk.

Hindi ako sumagot dahil natutukan ako ng baril at sinenyasan sumama sa ibang nagtitipon sa gilid at dumadapa. Pumunta sa karamihan ng tahimik. Dumaan sa harapan ng lalakeng may magandang itsura at may bigote. Ito ang tinutukoy ng kapatid, may nakatagong baril sa bewang nito. Pagtingin ko sa taong ito ay nakatingin din sa akin mula ulo hanggang paa.

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon