CHAPTER 27 - MY PROMISE

3 0 0
                                    

Saglit lang nawala ang atensyon sa harapan, ibinalik ang malakas na concentration sa sarili. Binawi ko ang kamay dahil kailangan sa pagmamaneho.

Sinabi ang napansin kanina, "Huwag sana mataas ang tingin mo sa katulad ko Ezekiel, marami rin ako kahinaan."

"Alam ko pero sa nakikita ko sa iyo ngayon, nakakahanga. Kaya siguro crush na kita."

Tsk. Ngayon naman ay hindi mapigilan tumawa sa munting korni sa linya nito.

"Alam mo ba, tumitigil ang mundo ko kapag ngumingiti o tumatawa ka?" Sabi pa.

"Yung parang mahirap huminga dahil nawawala ang hangin sa ere?" Dugtong ko sa sinabi niya.

"Ganyan ba ang nararanasan mo sa akin?"

Uminit ang pisngi. "Nagtanong lang ako."

"Kailan nag-umpisa, Syn?"

Patuloy ang pag-init ng pisngi. Siguro hindi pa sanay sa ganitong sitwasyon at mismo ang isang Ezekiel Matthew ang nagtatanong diretso sa pusong ito. "Sa parking lot, noong unang makita kita," sinabi ng tapat.

Katahimikan ang sunod. Bumalik ang palad ni Ezekiel sa kamay ko.

"Ikaw, kailan?" Gusto ko rin malaman.

Matagal bago sagutin, marahil nag-iisip ng nakaraan. "Noong unang araw mo sa school, ilang beses ka dumaan sa harapan ko pero hindi mo yata ako napapansin."

Sa araw na iyon?

"Lahat nakatingin sa'yo. Isa na ako doon."

Kakaibang damdamin ang bumalot sa loob, sa revelation nito sa pagtingin sa akin. Naalala ang pakiramdam noon nang may nakatingin sa paligid, nang hanapin iyon ay nakasalubong nga ang mga mata ni Ezekiel.

"Pero bago matapos ang araw na iyon, napansin na kita," sinalubong saglit ang titig nitong hindi nagbabago simula kanina. "Pero isa kang dakilang snob," biro ko.

Umarko ang gilid ng labi. "Lahat yata ng self control nagamit ko sa araw na 'yon."

"At ang mga sunod na araw?" Tanong ko pa.

"Hindi ko na halos kaya," napahinga ng malalim. "Tanong ko sa sarili ko noon, anong mayroon sa'yo at nagugulo mo ang mundo ko?"

"Dahil napakaganda ko sa paningin mo?" Sabay bigay ko ng magandang ngiti.

Napangiti rin at walang kurap nakatitig. "Baka nga. Kaya siguro nagiging matakaw ako sa'yo ngayon."

Huh?

"Obsession ba ito?"

Itinigil ko sa tabi ang sasakyan dahil bahagyang nagulo ang isip. Humarap sa katabi, napansin ang pagtanggal nito ng seatbelt. Hindi ginawang umiwas dahil hinapit nito ng mahigpit ang katawan ko.

"Itutuloy ko ba o hindi?" Humihingi ng permission.

Dahil ang posisyon ngayon ay akma para mahalikan muli. Magkadikit ang mga noo at ilong, konting centimetro ang layo ng mga labi.

"Hindi," ang lumabas sa sariling bibig dahil wala sa tamang pag-iisip para magdesisyon kasabay ng nararamdaman.

Hindi nagbago ang posisyon, "One second, Syn."

"Iba ang length ng segundo mo," napatunayan na iyon.

Naligalig nang idinikit pa rin nito ang mga labi, sa pisngi ko nang madiin at sa isang segundo nitong bilang.

"Nawawala ako sarili ko." Humiwalay at malalim ang paghinga.

Pagkatapos ng mahabang sandali ay lumingon sa akin mula sa malayong tanaw sa labas. "Ayos ka lang?" Tanong ko, ng may lakas ng loob sa kabila ng lahat.

BOOK 1 - EYES OF UNKNOWNWhere stories live. Discover now