Nag-iisa lang ang makakapantay sa kaniyang kagandahan. At bukod sa kasuklam-suklam na babaeng 'yon, wala ng pupwedeng ikumpara sa kaniya.

Nalunod si Finn Doria sa pagtitig sa mukha ng dalaga ngunit bigla naman siyang natauhan ng biglang magsalita si Ashe Vermillion.

"Bakit nga ba gusto kong lumakas..." mahinang saad ng dalaga habang nakatingin sa buwan. Iniunat niya ang kaniyang kamay na para tinatakluban ang sinag ng bilog na buwan, "Lahat naman tayo ay gustong lumakas pero bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang rason. Mayroon akong sariling rason kaya naman hindi ko gusto ang manatili bilang pangkaraniwan."

Nakita ni Finn Doria ang kilos na ito ng dalaga kaya naman nabaling din niya ang kaniyang atensyon sa kagandahang taglay ng buwan. Bilog ito at may pilak na kulay. Sa tabi nito ay maraming bituin na patuloy na kumikinang at nagbibigay kagandahan sa buong kalangitan.

Tumingin muli si Finn Doria sa dalaga at malumanay na nagwika, "Maaari ko bang malaman kung ano ang mga rason mo?"

Ibinaba ni Ashe ang kaniyang kamay at tumingin ng diretso sa malaking apoy sa kanilang harapan, "Wala namang masama kung sasabihin ko sa'yo. Isa pa, iniligtas mo ako mula sa panganib kaya naman masasabi ko na rin na utang ko ang buhay ko sa'yo."

Ibinaling ni Finn Doria ang kaniyang atensyon kay Ashe at habang nakatingin sa mata ng dalaga, nakikita ni Finn Doria ang repleksyon ng nagngangalit na apoy sa mga mata nito. Kalmado at malumanay ito ngunit makikitaan ng nag-aapoy na determinasyon ang loob nito. Dahil dito, tahimik na naghintay ang binata na magpatuloy sa pagsasalita ang dalaga.

Matapos ang ilang sandaling katahimakan, muling nagpatuloy sa pagsasalita si Ashe Vermillion, "Noong bata pa ako, madalas akong kinukwentuhan ni Ama kung gaano kalaki ang mundong ginagalawan natin. Lagi niyang sinasabi na ang mundo natin ay punong-puno ng misteryo at panganib saan ka man magpunta. Limitado lang ang pwede mong pagkatiwalaan dahil bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang kasakiman na tinatago. At malinaw naman sa akin na dahil sa kasakiman na 'yon, gagawin ng bawat isa ang lahat para lamang makamit ang lakas na kanilang hinahangad. Hindi lang sa Sky Rank nagtatapos ang lahat, nabanggit niya pa noon na mayroong Legend Rank na naninirahan sa First Rate Kingdom. Gaano nga ba kalakas ang isang Legend Rank? Kayang-kaya nilang wasakin ang isang buong Third Rate Kingdom sa loob lamang ng isang araw at isang gabi. Bawat isa ay kinakatakutan at nirerespeto ang mga kagaya nila dahil sa tingin ng iba, naabot na ng mga Legend Rank ang tuktok na pwedeng maabot ng mga tao. Syempre ay mga maimpluwensya at malalakas na adventurer lang sa ating kaharian ang nakakaalam nito, kahit ang mga Family Head ng Aristocrat Clan ay hindi alam ang bagay na ito. Lahat ng mga mahihinang angkan ay inaakalang isang kahanga-hanga at malabong pangyayari na ang makaabot sa Sky Rank pero hindi nila alam na mayroon pang Legend Rank."

Sandali siyang tumigil at bumuntong hinginga.

"Gayumpanan, mayroon pa ring mas malakas sa Legend Rank. Hindi ko alam ang tawag sa kanila, pero sa pagkakaalam ko, mayroong pang mas mataas at mas malaking mundo sa mundong ginagalawan natin. Naaalala mo yung sinabi ni Lord Helbram na mayroong mga 'diyos' na nagbibigay sa atin ng mga Armaments tuwing ika-sampung taon? Maaaring ang malaking mundong iyon ay ang mundo ng mga 'diyos'."

"Sa mata nila, isa lang tayong langgam na maaari nilang pisatin anumang oras nila gustuhin. Hindi sila nagpapakita sa atin dahil para sa kanila, hindi tayo nararapat sa kanilang atensyon dahil labag 'yon sa kanilang karangalan bilang mga 'diyos'. Marahil kinakaawaan nila tayo kaya naman binibigyan nila tayo ng mga bagay na hindi natin kailanman makukuha. Minamaliit nila tayo dahil sa ating kamangmangan at hindi ko gusto ang minamaliit ng kahit na sinuman, maging karaniwang tao man o 'diyos'."

"Ang pangunahin kong layunin ay maipakita sa mga 'diyos' na 'yon na hindi nila puwedeng maliitin ang mga Adventurer na nagmula sa maliit na mundo. Nais kong ipabatid sa kanila na hindi hadlang ang mabuhay sa maliit na mundo upang maabot ang tuktok ng lahat. Maaaring iniisip mo na isang kalokohan ang ideyang salungatin ang mga diyos ngunit ito ang pinaniniwalaan ko. Hindi ko gustong makulong sa maliit na mundong ito dahil gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan sa buong mundo ng mga Adventurers. Maaaring mahabang panahon pa ito ngunit kaya kong maghintay at harapin ang lahat ng pagsubok na dadating." Mahaba at kalmadong paliwanag ni Ashe.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now