8

9 0 0
                                    

December 25, 2014

Maaga akong pumunta ngayon sa park upang hintayin ang pagdating niya. Hawak-hawak ko ang regalong ibibigay ko sa kaniya dahil special day niya ngayon.

Naghintay ako ng ilang oras pero hindi pa rin siya dumadating. I checked the time. Six p.m. na pala. Baka hindi na siya susulpot kasi maglilimang oras na akong nag-aabang sa kaniya. Nilalamok na rin ako sa kakahintay.

Kahit na medyo nagdadalawang isip na ako ngayon ay minabuti ko pa ring maghintay at hindi mawalan ng pag-asa. Winili ko nalang ang aking sarili sa pamamagitan ng paglilibot sa paligid. Kahit saang dako nitong parke ay nagkakasiyahan ang mga tao. Ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno ay pinalitan din ng mga christmas lights at umiilaw na mga parol. Ang sigla ng kapiligiran at sana'y ako rin.

May bigla akong naisip. Puntahan ko kaya siya sa kanila? Pero paano? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan siya nakatira. Napabuntong-hininga nalang ako. Badtrip naman oh kahit pasko.

I frowned in frustration as I realized that I'm waiting for my boyfriend here for five hours. I feel so helpless and tired.

Napagdesisyunan ko nalang muna na umalis sa lugar at tumungo sa sementeryo sapagkat walking distance lang naman ito. Bibisitahin ko muna si lolo.

Kaunti lang ang tao ngayon dito sa sementeryo. Patuloy akong naglakad hanggang sa malapit na ako sa puntod ni grandlo. Napahinto ako saglit at hindi muna ipinagpatuloy ang paglapit nang may mapansin ako sa mismong kinalalagyan ng puntod niya. May pigurang nakatayo roon.

I blink my eyes couple of times before taking a closer look sa taong nakaputi...

Oh my.

Nanlaki ang mga mata ko. Kinabahan ako na ewan dahil nalaman ko kung sino ang nakatayo roon.


"G-Grandlo???" Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat.

Kahit hindi pa rin ako makapinawala sa nakikita ko ngayon ay lumapit pa rin ako sa kaniya.

"Kristy... apo", hinarap niya ako.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan sapagkat napansin at kinakausap niya ako.

"Lo..." mahina kong sambit tapos pumatak nalang ang aking mga luha. Na-miss ko kasi siya. Sana nandito rin si grandla upang makita man lang niya ang kaniyang minamahal. Gusto kong ipaalam kay grandlo na mahal na mahal siya ng kaniyang asawa at kung na-miss ko siya ay mas na-miss siya ni grandla.

"Apo, aalis na si grandlo." Malumanay niyang sabi. "Ayaw ug kalimti nga gihigugma ko kamo tanan. Igna imong lola nga maghulat ko sa iya..." [Huwag niyong kalilimutan na mahal ko kayong lahat. Sabihin mo sa lola mo na maghihintay ako sa kaniya...]

Napakapayapa ng ngiti niya. Ang swerte ko sapagkat nakausap ko pa siya ngayon and maybe this is the last.

After hearing his words, he slowly disappeared right in front of me...

🔹🔸🔹🔸🔹

Babalik na sana ako sa parke upang mag-antay ulit kay JC pero nahagilap ko na naman ang mausoleum kung saan nakalibing ang dalawang Castillas. Pumasok ako sa loob dahil nakabukas naman ang pinto. Tahimik lang ang galaw ko.

May narinig akong nagsasalita kaya agad akong nagtago sa sulok. Dahil sa kuryosidad, hinanap ko ang pinanggalingan ng boses at may tao nga. Nakaharap ang lalaki sa tapat ng lapida nung Jeff at nakatalikod siya  sa akin.

Hinaplos niya ang lapida nito at pinakinggan ko ang mga sinasabi niya.

Sorry if I'll eavesdrop. I just feel the urge to feed my curiosity.

New FriendWhere stories live. Discover now