3

14 0 0
                                    

First Day of School (3rd yr.)

"Naku! Male-late ka na anak! Wake up", yinugyog ako ni mommy.

Kinusot ko ang aking inaantok pang mga mata. Matamlay akong bumangon saka nag-unat. Nilingon ko ang alarm clock at kumunot ang aking noo.

"Mom... 4:30 a.m. pa lang." Humikab ako at ipinikit ang mga mata.

Napadilat ako sa gulat nang hilahin ako ni mommy palabas ng kwarto.

"Your breakfast is ready kaya magmadali ka ng maligo upang hindi lumamig ang pagkain mo. Go!" Sabay abot ng tuwalya at  itinulak ako palayo.

Talaga 'tong si mommy, excited much.

Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa ginawa niya.

As I was walking along the corridor, nakasalubong ko si grandla na naka-pink na pantulog. Ang cute niya tignan!

"Good morning grandla!" Bati ko sa kaniya sabay flash ng smile.

"Uy, apo! Good morning pud. Tarunga ang first day sa klase, ha?" [Uy, apo! Good morning din. Pagbutihin mo ang first day sa klase, ha?] Hinaplos niya ang buhok ko.

Tumango lang ako bilang sagot. "Sige la, maliligo muna ako." Nagpaalam muna ako sa kaniya at tumakbo patungong bathroom.


6:25 a.m.


"Bye mommy, daddy, grandla and grandlo!" I waved them goodbye.

Ikinabit ko ang shoulder bag sa aking balikat at nagsimulang tahakin ang daan patungong eskwelahan. Walking distance lang naman.

Nasa sidewalk na ako nang maalala ko 'yung gabing may kinukuha akong bola sa gitna ng daan. Hindi ko lang maalala kung panaginip lang ba talaga 'yun o totoo pero sabi kasi ng mga magulang ko na panaginip lang daw 'yun... which is, pwede ring malabo maging hindi totoo.

"Urrrggghh... Ang gulu-gulo ko naman! 'Wag mo na nga 'yung isipin Kristy—", napatigil ako nang may bola ng basketball na tumama sa ulo ko. "Awwww...", reklamo ko sabay himas sa parte na masakit.

In a blink of an eye, nakita ko ang isang lalaki na sa pagtatantya ko ay kasing-edad ko lamang. Tumakbo siya sa aking harapan upang kuhanin ang bola.

"Hala! Sorry. I'm really sorry! Are you hurt?" Pag-aalalang tanong niya.

"Hi-hindi naman", pero sa totoo lang ay masakit 'yung ulo ko.

Inayos ko ang aking buhok para kunware okay lang talaga ako.

"Tagalog ka?" Ta's kinamot niya ang kaniyang batok. Aweeeeee, how cute!

"Taga-Manila kase ako but don't worry, alam ko naman ang mga simple bisaya words." Nginitian ko siya.

"Ganun? Uhmm... Sorry talaga natamaan ka ng bola ko. Sige, mauna na'ko. Pupunta pa kasi ako sa school."

"Hey! Dungan nalang ta. Didto raman akong eskwelahan" [Hey! Sabay nalang tayo. Dun lang naman 'yung paaralan ko], itinuro ko ang paaralang mga ilang hakbang nalang ang lapit sa amin.

"Diha man pud ko ga-eskwela. Ta, dali na!" [Diyan din ako nag-aaral. Tara, halika na!], masaya niyang wika.

I think I'm having a new friend here in Cagayan de Oro. Well, it's called the City of Golden Friendship for a reason.


Maaga pa naman kaya umupo muna kami sa botanical park nitong school. Nagkwe-kwentuhan na kami ng kahit ano pero hindi ko pa alam ang pangalan niya habang siya, alam na niya ang name ko.

New FriendWhere stories live. Discover now