2

16 1 0
                                    

Last day of summer


Tapos na akong bumili ng school supplies para bukas. For the whole summer, marami akong natutunang bisaya words from my tutor. Good luck nalang talaga bukas sa back to school - new school in a new place with a new language. And probably, new friends!

Anyways, nandito ako ngayon sa balcony na nasa labas ng kwarto. Nagsa-stargazing ako. Kinakausap ko ang aking best friend na ilang taon nang pumanaw.

I recalled a very sad flashback.

.
.
.

We were in sixth grade at tuwang-tuwa kami ni Caroline kasi ga-gradweyt na kami sa susunod na araw.

For the last time, linibot namin ang buong paaralan kabilang na ang forbidden place na ngayon pa lang namin mapupuntahan, ang Stairway of the City. Ito'y isang napakataas na hagdanan na kapag makakarating sa tuktok nito, sasalubungin ka ng napakagandang tanawin ng buong siyudad. Kung pupunta ka rito, dapat may pahintulot sa guard pero dahil bata pa kami at walang adult na kasama, mukhang hindi kami papayagan.

May mga gwardiyang nakaabang sa entrance kaya kinakailangan pa naming ibalin ang atensiyon nila sa iba.

Kaya ang ginawa namin ay nagtago kami sa damuhan na malapit doon at sumigaw-sigaw ng "Tulong! Tulong!"

Agad namang narinig ng mga gwardiya ang saklolong nilikha namin kaya hinanap nila ang pinanggalingan nito. Kumaripas kami ng takbo papasok nung malayu-layo na sila.

We giggled at our mischievous behavior.

"Habul-habulan tayo! Ikaw taya!" I told Caroline and I ran upstairs.

Nasa pinaka-itaas na ako ng hagdanan at nagdesisyong magtago sa may bato.

Humihingal siyang nakarating sa tuktok.

"Kristy? Kristy?" Sambit niya sa pangalan ko.

After awhile, she stopped searching for me and stood at the top of the stairway.

Hinay-hinay akong pumunta sa kaniyang likuran upang hindi makalikha ng anumang ingay. Naghahanap ako ng tyempo upang gulatin siya.


1...


2...


"Bulaga!!" Ginulat ko siya kaya nagfreak-out siya.

Paglingon niya sa akin, na out-balance siya.

Parehong nanlaki ang aming mga mata.

"Kristy, help!" She screamed out of fear.

Hindi ko maabot ang kaniyang kamay. She's trying to reach me but she's already falling from the long stairway.

"Caroline!" Tumakbo ako nang napakabilis panaog.


But it's too late...


Maraming dugo sa kaniyang ulo at noo. Nakadilat ang kaniyang mga mata na animo'y nakatingin sa akin. Tila hindi niya matanggap ang maaga niyang pagkamatay.

God. Anong nagawa ko sa best friend ko???

.
.
.

Dahil sa pangyayaring iyon, nagsimula akong magkaroon ng phobia sa mga patay.

It was terrible. Hindi na ako pumunta pa sa graduation at farewell party namin. Halu-halong emosyon ang naranasan ko sa mga panahong 'yon lalo na na ako ang sinisisi ng kaniyang mga magulang sa pagkamatay niya.

For how many days, ikinulong ko ang sarili sa kwarto at nagmukmok. My sixth grader self even thought of suicide.

Nabahala ang aking mga magulang kaya nagdesisyon silang igugol ang aking summer sa states upang makalimutan ang nangyari. Which is somehow, hindi epektibo dahil hindi ko maibaon sa limot ang pangyayaring iyon. Dinala rin nila ako doon sa isang psychologist upang masuri at matulungan ako sa aking kalagayan.

Pagkatapos ng summer na iyon, bumalik kami ng Manila upang doon mag-high school. Then I met a good friend, Lanie.

Aish... 'Yan tuloy, naiiyak na'ko.

Nawala ang aking momentum nang may kumatok sa pintuan.

Binuksan ko ang pinto.

"Mommy?"

"Bed time, Kristy", nakangiting sabi niya.

Bumuntong-hininga ako. "Okay."

Napansin kong hindi pa lumalabas si mommy sa kwarto ko at pinagmasdan lang ako.

Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makahiga na ako sa kama. Hindi pa rin siya umaalis. Hindi ko nalang siya pinansin dahil inaantok na ako.

"Goodnight anak."

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakatulog na ako.

New FriendWhere stories live. Discover now