4

11 0 0
                                    

The Next Day


Maaga akong nakaalis sa bahay ngayon, as usual. Naglalakad ako patungong paaralan.

"Hey Kristy! Sabay na tayo", pagsulpot niya sa harapan ko kasabay ng paulit-ulit na pag-dribble niya ng bola.

Tango lang ang naisagot ko.

We arrived at school in silence.

He broke that seemingly thin boundary between us by saying, "sige, mauna na 'ko."

I grab his right wrist. I'll make sure this time, masasagot na niya ang tanong ko. "Teka lang."

He paused— literally not moving. Slowmo niyang tinignan ang kamay niya na hawak-hawak ko. Parang na super shocked siya???

"Hindi ko bibitawan ang kamay mo hangga't di mo sinasabi sa akin kung ano ang pangalan mo." It almost sounded like I'm pleading this time.

Sa pagkakataong ito, dahan-dahan siyang lumingon sa akin at...


At...


At...


At ngumiti?

Tss. Tuloy, umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ramdam kong namumula ako kaya binitawan ko kaagad ang kaniyang kamay. Bakit ba kasi ngingiti-ngiti siya? Hindi ba niya alam kung anong maidudulot nito sa isang babae???

"Just call me JC... Bye!" And he winked at me.

Okay, ulitin natin. He winked at me!

Tumakbo na naman siya papalayo at ako?

Tulala.


🔹🔸🔹🔸🔹


Araw-araw, nakasanayan na namin ni JC ang sabay na pagpasok sa school nang maaga at nagkikita naman sa park tuwing uwian. Ang ipinagtataka ko lang, ni minsan ay hindi ko siya nakikita tuwing recess o lunch time. Baka nagpapaiwan lang siya sa classroom nila. Teka— ano ba ang room section niya?

"Oy Kristy! Lalim ng iniisip natin ah?"

Nawala ako sa aking mga iniisip nang mapansin ako ni Sheena.

"Tsk. Wala 'to", pero 'yung totoo, bumabaha ng mga katanungan ang aking isipan.

"Kan-a na na imong food oh! Langawun jud na." [Kainin mo na nga 'yang food mo! Madadapuan talaga 'yan ng langaw.]

"Kani bitaw si Sheena, over kaayo! Imoha nalang ni oh", ['Eto talaga si Sheena, over masyado! Sayo nalang 'to oh] Inabutan ko siya ng kinakain kong special cheeseburger.

"FYI Miss Kristy, Sheena Ramirez will never accept it. Malay ko ba kung anong virus ang nasa sa'yo na pwede kong ikamatay", tumayo siya at nag-pose pa ang loka!

"Hoy, yabang mo! Kung hindi lang kita kaibigan, kanina pa kita inupakan!" Ngumuso ako. Kunware galit-galitan kami pero swear, chill lang talaga kami.

"Helu! Honolulu! Harsh mo naman na friend. Di ka ba concern sa face ng kaibigan mo?" Nagpa-cute siya. As if naman, madadala ako. "Siyempre, ayokong ma-damage ang mukha ko no!" Yeah, kasi sayang ang ganda mo kung papagalusan mo lang.

"Hay naku, adik ka!" Kunwari naiirita ako sa kaniya ta's kagat sa special cheeseburger.

"Boring mo kausap no." Umirap siya sa akin.

New FriendWhere stories live. Discover now