Finale

10 0 0
                                    

February 14, 2015

Ngayon ang first anniversary namin ni JC kaya pumunta ako rito sa parke. Nagbabakasakali ako na sana, sa pagkakataong ito, makita ko na siya. Na sana, hindi niya malimutan ang espesyal na araw na ito. Na sana, hanggang ngayon, isang mahalagang bahagi pa rin ako sa kaniyang puso.

Bukod doon, pumunta ako rito upang sana ay maliwanagan sa totoo niyang pagkatao. Hindi ko na ipagkakait sa aking sarili na litung-lito na ako, na kahit boyfriend ko siya, ang daming mga bagay na hindi ko alam tungkol sa kaniya.

Madilim na pero patuloy pa rin akong naghintay kay JC habang nakaupo sa bangko na palagi naming inuupuan dalawa. Alas otso na ng gabi at wala ng mga tao maliban sa akin. Tumingala ako sa kalangitan at namangha sa kalinawan nito. Bilog na bilog ang buwan. Ilan kaya ang mga kagaya kong nakatingin sa buwan sa mga puntong ito? Ang buwan kaya, nanunood kaya ito pabalik sa akin? Nakikita kaya niya kung saan si JC ngayon? Idagdag pa ang mga nagniningning na mga bituin na tila mga dyamanteng hindi naman maabot ng kahit na sino. Ang mga langit sa gabing ito ay para bang nangungutya sa akin. Napakadaya nila sapagkat hindi nila ako sinabayan na magdalamhati sa isang sugatang damdamin.

Ipinikit ko ang aking mga mata. "Sana dumating ang makulimlim na mga ulap upang takpan ang inyong mapagmalaking kaliwanagan."

Selfish as it may sound but what can I do? I desire to be selfish just this once.

"Happy Anniversary, Kristy."

Kagyat kong binuksan ang mga mata dahil narinig ko ang boses ng taong sabik na sabik ko nang makita.

Bigla nalang akong lumuha sa harap niya. Nanginginig ang aking mga labing sinambit ang pangalan niya, "JC." Mabilis ko naman itong dinugtungan ng mga salitang matagal nang gustong kumawala sa isip at puso ko, "I love you... A-akala ko hindi ka na darating."

"I love you, too." Nasulyapan ko na naman ang maaliwalas at matingkad niyang ngiti.

Now that he's here, I can boast to the stars and moon that I have someone's bright smile who can outshine their radiance in the vastness of the night sky.

Hindi ko na pinansin ang lagay ng hitsura ko ngayon. Wala na akong pakealam kung hilamusan ko ang aking mukha ng mga luhang hindi ko mapigilan. Gusto kong ipakita kay JC kung gaano ko namiss ang presensiya niya.

"I'm so happy to see you again..." Isang pangungusap lamang ang naisabi ko pabalik at sana'y makita niya ang napakalaking halaga sa sinabi ko. Marami pa man akong gustong sabihin subalit tila ay naisabi ko na lahat sa loob ng isang pangungusap.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Gusto ko na siyang yapusin nang napakahigpit.

At parang deja vu lang, papalapit ako pero lumalayo siya.

Nagpumilit parin ako na lapitan siya kahit na umaatras pa rin siya.

"No! Don't come near me!", may takot na nakapaskil sa kaniyang mukha.

Napahinto ako sapagka't hindi ko matanggap na sinigawan niya ako.

Wala akong ibang nagawa kundi ang magtanong, "w-why?" Halos ako lang ang nakarinig nito dahil ang hina na ng boses ko.

He stood up firmly and no doubt he said, "I'm going home... Goodbye, Kristy."

Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresiyon sapagkat blanko lamang ito. Maihahalintulad siya sa isang kumikislap na tala na ngayon ay natatabunan na ng naiinggit na mga ulap.

Sa mga oras na ito, hindi ko na sasayangin ang pagkakataong mapigilan ko siya.

Naalala ko noon, pahirapan ang pag-alam ko sa kaniyang pangalan kasi palagi nalang siyang tumatakbo papalayo kapag tinanong ko na siya. Sa ikalawang pagkakataon, pipigilan ko na naman siya sa pamamagitan ng pagdaklot sa kaniyang pupulsuhan. I'll hold onto him until I get the answers.

New FriendWhere stories live. Discover now