Epilogue

17 0 0
                                    

March 28, 2015

"Say cheese!"

Natapos na rin ang graduation ceremony at nagpicture-picture na kami.

"Kristy! Mami-miss talaga kita... Uwaaaah!!" Umandar na naman ang kadramahan ni Sheena.

"Weh? For real?" Tinignan ko siya gamit ang mapanuring mga mata. Mahirap na no, baka scam na naman 'to.

"Oo!" Pinalo niya ang likod ko. "Naman eeeeh... naiiyak akoooo."

Okay na sana eh, maluluha na sana ako kaso pinalo niya likod ko. Brutal kahit kailan. Tsk.

"Sus!" Binatukan ko siya, partly upang makaganti. "Mami-miss rin kita no!"

Babalik ako sa Manila upang doon magkolehiyo. Kahit na ganito 'tong kaibigan kong si Sheena ay napalapit na rin siya sa akin. Itinuturing ko siyang tapat na kaibigan dahil napatunayan niya sa akin na kahit sa kalungkutan, dinadamayan niya ako. Hindi man halata pero sa ilang taon ko rito sa Cagayan de Oro, alam kong mahal niya 'ko bilang kaibigan. Itinuturing ko na siya na isa sa aking mga best friends.

At hindi ko siya kalilimutan.

🔹🔸🔹🔸🔹

At the cemetery (4:30 p.m.)

Nandito ako sa harap ng lapida nina Jela at Jeff. Suot ko pa rin ang aking toga.

Bukas pa ang death anniversary ni Jeff pero may mga nakasinding kandila at mga sariwang bulaklak na rito sa mausoleum. May larawan na rin ang picture frame niya. Hindi ko mapigilan na mag-isip sa sarili kung bakit ngayon lang nila nilagyan ito ng litrato.

Ngayon ako dumalaw sapagkat bukas na ang flight ko pabalik sa Manila.

"Hi JC! Happy graduation day!" May ngiti sa labi na binati ko siya. Ipinatong ko sa itaas ng lapida niya ang toga at diploma na ipinagawa ko para sa kaniya. "Alam mo, sa susunod na araw ang flight ko pabalik sa Manila. Doon na ako mag-aaral but don't worry, hinding-hindi kita kakalimutan." Diniinan ko ang salitang 'hinding-hindi'.

"I love you JC... forever and always..."

🔹🔸🔹🔸🔹

"That was sixty years ago...", hinaplos ko ang buhok ng aking apo na si Minna.

"Ano po ba ang pangalan ng lalaking minahal nung kaibigan niyo, Lola Kris?" Tanong naman ni Eros, ang kaibigan ng aking apo.

"JC." Napangiti ako habang inaalala ang pangalan niya.

"So ghosts are real, Lola?" Namamanghang tanong ni Minna.

"It depends on the person's understanding of a ghost."

"What if we did see one? And that person or ghost or whatever, gusto niyang makipagkaibigan?" Tanong ng mausisang si Eros.

"Why not? Maybe it will change your life." Ngumiti ako.

"Ano 'yang pinag-uusapan niyo? Pasali naman." Nabaling ang atensiyon naming tatlo sa taong kararating lang.

"Lolo Lindon!"

Nagsitakbuhan ang mga bata sa kaniya at nagmano.

Lindon took a glimpse of me and smile before giving candies to our grandchild and her friend.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo at nagtungo sa kwarto. Binuksan ko ang pinakailaliman ng isang lumang kabinet sa sulok. Bumungad sa akin ang isang kwintas at isang bracelet. Itong mga bagay na ito na itinago ko nang kay tagal at inalagaan ng mabuti. Muli ay sinuri ko ang infinity pendant ng kwintas. Kasunod naman ay ang bracelet na may nakasulat na, 'Kristy loves JC'.

Kung saan man siya ngayon, alam kong naghihintay pa rin siya sa akin.

Magkikita rin tayo'ng muli, JC.


It's been sixty years and I never forget every fragments of memories we shared together. He's physically gone but he's not dead deep inside of me.

What is this cliché thing again?
Oh. First love never dies.

New FriendDove le storie prendono vita. Scoprilo ora