6

10 0 0
                                    

6:59 p.m. (at the park)


Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya.

I mean, this is a bit of a surprise to me!

Sinuri ko nang mabuti ang ekspresiyon niya. Parang hindi siya komportable nung hindi ako makasagot sa katanungan niya. Mag-aantay muna ako ng ilang mga minuto bago siya sagutin. Paano ba naman kasi, baka ginu-good time niya lang pala ako ta's babawiin niya 'yung sinabi niya. Ako pa tuloy 'yung mapahiya kapag ganun.

"S-sorry. Huwag mo nalang pansinin 'yung tanong ko", he laughed awkwardly when he wasn't getting any answers from me.

Seryoso ba talaga siya? Kasi gusto ko na talagang maniwala. Konting-konti nalang, baka masabi ko na sa kaniya ang matagal ko nang tinatagong lihim na pagtingin. How I wish, hindi 'to biro.

"Seryoso ka sa sinabi mo?" Nagbabakasakali ako na kahit man lang kaunting pag-asa ay matatagpuan ko sa puntong ito.

"Oo"

Oh my. Seryoso nga siya!

Agad namang nawala ang namuo kong pag-asa nang dinugtungan niya ang kaniyang 'oo', "seryoso ako na huwag mong pansinin ang tanong ko sa'yo kanina." Matipid ang kaniyang ngiti. Pagkatapos ay ginulo niya ang aking buhok.

Sana alam niya na February pa ngayon at hindi April. Malayo pa ang April Fool's Day. Although para akong tanga dito na gusto pa ring umasa na sana gusto niya rin ako.

Bigla nalang hinawakan ko ang kamay niya. Pati ako ay nagulat sa ginawa ko. "I mean, seryoso ka ba na gusto mong manligaw sa akin?"

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hindi sumusuko si Lindon sa akin. There's this slightest bit of hope clinging to him. And that's what is happening to me right now.

Nakita kong nabuhay ang kaniyang mga mata. Sa isang saglit, parang may napansin ako sa kaniyang reaksiyon. May halong pag-asa rito. Sana tama ang hinala ko.

"Kung seryoso ako na gusto kitang ligawan, ano ba ang sagot mo?"

"Oo." Sa walang anu-ano ay agad akong nakasagot. Bahala na 'to. Bahala na kung anong mangyari. Bahala na.

"Paano kung sabihin ko sa'yong seryoso ako? Liligawan kita, Kristy", nakaharap siya sa akin. Seryoso lang siyang nakatingin sa aking mga mata. Tila gusto niyang pasukin ang aking isipan at sisirin ang katotohanan sa likod ng aking pagsagot ng oo.


Lub dub.


Lub dub.


Lub dub.


Nakatingin lang kami sa isa't isa at pareho kaming hindi nagsasalita. Sa tahimik na gabing ito, naririnig kaya niya ang isinisigaw ng puso ko?

Binasag ko ang katahimikan. "Alam mo JC, seryoso rin ako nung sinabi kong oo, na pwedeng mo akong ligawan."

I blush because of what I said. This is my first time to allow someone to court me.

"Alam ko 'yun. Nararamdaman ko."

Ang alin? Ano ang nararamdaman mo? Ramdam mo ba na matagal na kitang gusto? Ramdam mo ang mabilis na kabog nitong aking puso? Marami man akong gustong itanong, nagdesisyon nalang akong itago muna ito sa kailaliman ng aking isipan.

Nagsalita pang muli si JC. "You know what, I'm the luckiest boy in the world. This chance you're giving me means everything to me."

Para akong nakakita ngayon ng batang niregaluhan ng paborito niyang laruan. Ang saya-saya ni JC. Nakaukit ito sa kaniyang mukha. Mas nahuhulog ang aking loob dahil sa mga ngiti niya ngayon.

New FriendWhere stories live. Discover now