9

13 0 0
                                    

New Year's Eve (2015)


Hindi maganda ang bagong taon ko. Nagmukmok lang ako sa kwarto at hindi ko gustong makipag-usap sa kahit na sino. Na-stuck pa rin ako sa araw na iyon na kung saan nasaktan ako. Since that day, hindi na siya muling nagpakita pa.

Hindi ko pinahalata  ang aking kalungkutan sa aking mga magulang dahil paniguradong magtataka sila. Hindi ko pa naman sinabi sa kanila ang tungkol sa aming dalawa ni JC. Sa tuwing umiiyak ako ay sinisigurado ko na wala sila sa bahay o di kaya'y naka-lock ang kwarto ko. Ang hirap pala kapag naglilihim.

Naririnig ko ang ingay na nagmumula sa mga fireworks sa labas ngunit wala akong gana na panoorin ang mga ito. Sa halip ay lumabas ako ng silid matapos ayusin ang magulo kong buhok at matamlay na mukha. Pupuntahan ko sina mommy at daddy upang magpaalam dahil gusto kong maglakad-lakad sa labas. Gusto kong mapag-isa muna at isipin ang mga bagay-bagay.

Nasa tapat na ako ng nakabukas nilang pinto pero pinili ko munang manatili sa labas sapagkat narinig ko silang nag-uusap.

"Bakit pa natin sasabihin?", ani daddy.

"Mas mabuting malaman niya. Wala namang masama dun", si mommy naman.

Naramdaman ko ang tensiyon nung sumigaw bigla si dad, "hindi mo ba naiintindihan? May necrophobia siya!"

"Please, let us tell her... Her phobia is just mild. Hihintayin pa ba natin na siya mismo ang makaalam? Mas lalo lang siyang maguguluhan at natatakot ako na mas lumala pa ang takot niya, to the point na mahirap nang ma-overcome ang kaniyang phobia", my mom was pleading to my dad.

Binuksan ko ang pinto.

"But—" napatigil si daddy sa kaniyang katwiran nung mapansin niya ako.

"What's going on?" Naguguluhan kong tanong.

Naalerto sila sa presensiya ko at bakas sa kanilang mga reaksiyon na hindi sila mapakali.

"Anak, kanina ka pa ba nakikinig?" Agad na wika ni mommy.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay nagbato ako ng mga katanungan."Anong let us tell her? Ako ba ang tinutukoy niyo?"

Don't tell me hindi ako yung tinutukoy nila kanina. I hope they'll not lie to me because if they did, I don't know what to do anymore. I don't like liars around me! I hate people not telling anything! I feel betrayed, worthless and in extreme pain. Ayokong dumagdag pa ang mga magulang ko sa bilang ng mga taong sinungaling. They're my parents for goodness' sake!

Hindi sila nagsalita pareho.

What now? Aren't they going to tell me, are they?

"Mom, Dad... may kailangan ba akong malaman?" Parang may bumara sa lalamunan ko. I forced myself not to cry in front of them. I already had enough.

Nagkatinginan silang dalawa na tila nagdadalawang isip kung magsasalita ba o hindi.

"Anak... ano kase... uhmm", hindi matuluy-tuloy ni daddy ang kaniyang sasabihin. Maybe, nagdadalawang-isip nga siyang sabihin sa akin.

Mom bravely stood up in front of my dad. "Sorry but we have to tell her." Sabi niya.

Pinaupo ako ni mama sa sofa at sumunod naman si papa.

"Anak, makinig ka nang mabuti... Nagkasala kami ng papa mo sa'yo, sana patawarin mo kami. May itinatago kaming lihim mula sa'yo— it has been three years now." My mom confessed.

Wait. What?! Three years ago and no one told me about it. What is this secret that they kept it from me for years now? I'm seriously dismayed to both of them.

New FriendWhere stories live. Discover now