7

8 0 0
                                    

"Will you be my girl?"


This is another shocking moment for me. Kanina ligaw, ngayon naman ay girlfriend na!

"Uhmm... Ba't ang bilis?" Naiilang kong tanong. Bago ka pa nga lang nagsimulang manligaw tapos ngayon, you already want me to be your girlfriend", tumawa ako nang mahina.

It's not that I don't want him to be my boyfriend either but these surprising events came in just a day only.

"I'm just... trying my luck. Mukha man akong nagmamadali dahil sa mga biglang katanungan ko sa iyo pero seryoso ako, Kristy." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa magkalapit na ang mukha namin sa isa't isa. "Malay natin kung anong mangyayari sa susunod pang mga araw. Hindi natin alam kung may tyansa pa ba akong magtanong sa'yo sa future na kagaya ng ngayon." He suddenly cupped my cheek with his palm.

"Bakit ako?" Diretso kong tanong matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon.

Mas nilapit niya ang mukha sa akin at itinapat ang bibig sa may taenga ko tapos bumulong siya, "kasi mahal kita."


I froze.


Hindi man ako makagalaw, marahil ay sa posisyon naming dalawa o dahil sa confession niya or both pero 'yung puso ko, napakalikot na! Naririnig ko ang sariling pagtibok nitong aking puso.

Humakbang ako sa kaniya ng isang hakbang palayo kasi baka marinig niya ang ingay na nanggagaling sa loob ng aking dibdib. Subalit humakbang na naman si JC palapit sa akin.

Oh my. I'm suffocating but this is the kind of suffocation I'm ready to die with.

He raised my chin with his soft fingers so I can face him.

"Kung sa palagay mo ang bilis ng takbo ng mga pangyayari, ito ang alamin mo Kristy Mersen. Matagal na akong nanliligaw sa'yo... Hindi mo lang talaga pansin", matipid siyang ngumiti sa akin at seryosong nakatitig sa aking mga mata.

Sinuklian ko naman ang intensidad ng mga titig niya. Those eyes I'm seeing right now, they made me their captive.

Wala sa sariling tinapatan ko ang nakakahumaling na mga salita niya, "Alam mo rin ba JC, matagal na kitang gusto... Hindi mo lang pansin."

He then smiled the most widest smile I could ever receive from him. "Ayun! The feeling is mutual naman pala, eh. So, will you be my girl?"

My parents would kill me if they'll find out that I got a boyfriend because they said high school is still too young for this kind of stuffs. Siguro ay ililihim ko nalang ito sa kanila.

Kung hindi ko naman sasagutin si JC ng katotohanan, papatayin din ako ng aking sarili. Wala naman sigurong masama kung magkami diba?

Hindi na ako nagdalawang isip pa...


"Yes. My answer is yes, JC."


And so, my first boyfriend was him.


🔹🔸🔹🔸🔹


April 17, 2014


Nandito ako ngayon sa isang sementeryo kasama ang aking pamilya. Makulimlim ang mga ulap at tinapatan naman ito ng kalungkutan ng mga taong nasa paligid ko.

Nilapitan ko si grandla at niyakap. "Grandla, don't be sad na. Ayaw ug kabalaka kay naa ra na perminte si grandlo sa imong kasing-kasing." [Grandla, don't be sad na. 'Wag kang mabahala dahil nand'yan lang yan palagi si grandlo sa'yong puso.]

Natawa si grandla sa sinabi ko kahit na may luha pa rin sa kaniyang mga mata. She wiped her tears and smiled, "I know, Kristy. He's always in our hearts, forever and always."

Natapos din na ilibing si grandlo. Namatay siya nang dahil sa brain cancer. Namatay man siya pero alam kong buhay pa rin siya kasi naniniwala akong ang pisikal na katawan lang ang nililisan ng tao at hindi ang kaluluwa.

Nagsiuwian na ang aking mga kasama pero napagdesisyunan kong magpaiwan dito. Gusto ko munang mapag-isa.

Naglalakad-lakad lang ako sa buong semeteryo. Hindi ko alintana ang nagbabadyang ulan sapagkat may payong naman akong dala. Hindi rin naman ako takot na mag-isa sa lugar na gaya nitong semeteryo.

Sa aking paglilibot, may pumukaw sa aking atensiyon at hindi ko alam kung bakit. May maliit na mausoleum na nakabukas ang pinto na kung saan may dalawang lapida akong nahagilap sa loob. Dinala ako ng aking mga paa papasok sa nasabing impastraktura.

Ang unang lapidang pinagmasdan ko ay pagmamay-ari ni Jela Castillas, base ito sa pangalan na nakalagay dito. Napansin ko ang litrato niya. Maganda siya, mukhang magkasing edad lang kami at tila may kahawig ang babaeng ito. Dumako naman ang paningin ko sa ikalawang lapida na walang larawan na nakalagay sa picture frame.

"Jeff Castillas... Died: March 29, 2012", binasa ko ito nang mahina.

Pagkatapos ay nakarinig na lamang ako ng ingay, hudyat na hindi ako nag-iisa dito sa loob.

"Sino yan?" Inilibot ko ang paningin.


Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa hindi inaasahan, sumulpot si JC galing sa isang sulok.


"K-Kristy! B-ba't ka n-nandito?" Hindi mapakaling tanong niya sa akin.

"Ikaw, ngano naa man ka diri?" [Ikaw, ba't ka nandito?] pagbabalik ko sa tanong.

"Ano... Kase... Uhmm... N-naglalaro ako ng basketball dun sa court malapit dito nang mapadpad 'yung b-bola rito kay hinanap ko." Hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

"Ah. Ganun ba?" 'Yun lang naisagot ko.

"Eh ikaw?"

Yumuko ako. Naalala ko na naman kung bakit nandito ako ngayon sa semeteryo na ito. Naalala ko na naman na nawalan ako ng mahal sa buhay at kung gaano kalungkot ang grandla ko dahil sa pagkawala niya. "Namatay ang lolo ko. Inilibing siya ngayon", may luhang pumakawala sa aking mata.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. "Sorry to hear that. Condolence ", hinagod niya ang aking likod.

"Thank you, JC". Isinandal ko ang aking mukha sa kaniyang balikat at umiyak.

Sa napakadilim na yugto ng aking buhay, pinalakas ng aking kaibigan na siya ring kasintahan ko ang aking loob.

"Ganyan naman talaga ang buhay. However, life must go on Kristy", mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

I hugged him back — as if this is our last hug.

New FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon