Upang dumami, kung wala silang mahanap na katuwang, isinasakripisyo nila ang kanilang Blood Essence. Ngunit paanong ganito lang kadali na isakripiyo ang pinagmulan ng kanilang buhay? Sa oras na isakripisyo nila ito upang bumuo ng anak, manghihina sila. Kakailanganin pa nila ng mahabang panahon upang mabawi nila ang blood essence na kanilang isinakripisyo.

Ito ang dahilan kung bakit mahina ang leon na 'to noong nakipaglaban siya sa Sixth-Armed Ape King. Kung hindi siya nagsakripisyo, siguradong madali lang para sa kaniya na idispatya ang kasuklam-suklam na unggoy na 'yon.

Mababakas pa rin sa mata ng leon ang matinding galit habang nakatingin ito kay Finn Doria. Sinubukan niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang gumalaw ngunit kahit anong gawin niya, ayaw makisama ng kaniyang katawan.

"Madali lang para sa'yo ang sabihin ang bagay na 'yan! Ano bang alam mo sa mga katulad namin?!" galit na galit na ungol ng leon.

Ngumiti naman si Finn Doria ngunit hindi niya sinagot ang leon. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at marahang nagwika, "Ilang Sixth Grade Vicious Beast ang mayroon sa mundong ito?"

Natigilan naman ang Leon sa tanong ni Finn. Hindi niya inaasahang magtatanong ng ganito ang binata. Sa huli, sinagot niya pa rin ito, "Kasama ang maduming unggoy na 'yan, sampu kaming lahat...mayroon pang tatlong Seventh Grade ang nagtatago sa kung saan."

Sandali namang natigilan si Finn at napaawang ang kaniyang bibig.

Sampung Sixth Grade at tatlong Seventh Grade?! Sampung Sky Rank!

At ang Seventh Grade... kung hindi nagkakamali si Finn Doria, ang Seventh Grade Vicious Beast ay maikukumpara sa maalamat na Legend Rank!

Nababasa niya lang ito sa libro at hindi niya inaasahang mayroong Legend Rank sa mundong ito!

Ayon sa mga lumang libro, mayroong kakayahan ang isang Legend Rank na sumira ng isang buong Third Rate Kingdom sa maikling panahon lamang. Napahinga ng malalim si Finn. Kahit na mahina ang isang Third Rate Kingdom, malawak pa rin ito at maraming Sky Rank Adventurer ang pumoprotekta rito.

Ikinalma ni Finn ang kaniyang sarili at taimtim na tumingin sa nakahandusay na leon, "Bukod sa Sixth-Armed King Ape, mayroon pa bang Sixth Grade Vicious Beast ang malapit sa teritoryo mo?"

Nang marinig ito ng leon, bigla na lamang dumilim ang kaniyang ekspresyon. Bigla siyang may naalala.

"Bukod sa maduming unggoy, mayroon pang kasuklam-suklam na alakdan! Mayroon din siyang masamang balak sa mga kayamanan ko noon pa man!" galit na ungol ng leon.

Paanong nakalimutan niya ang alakdan na 'yon? Sampu silang tinaguriang Beast King ng mundong ito at tanging sila lang tatlo ang nakakaalam sa Dragon-Breath Grass. Sa oras na malaman ng alakdan na malubhang siyang napinsala, siguradong agad itong susugod upang nakawin ang kaniyang mga kayamanan.

Maaaring mawala ang lahat ng pinaghirapan niya kabilang na roon ang kaniyang dalawang anak!

Pero paano niya mapipigilan ang alakdan sa sitwasyon niyang ito?

"Mn. Kung pagbabasehan ko ang iyong malubhang pinsala, aabutin ka pa ng tatlong taon upang tuluyang gumaling. At bago ka man tuluyang gumaling siguradong alam na ng alakdan ang iyong sitwasyon. Sa oras na mangyari 'yon, hindi lang Dragon-Breath Grass ang mawawala sa'yo. Maging ang iyong pinakamamahal na dalawang anak ay maaari ring mapaslang." Malumanay ngunit puno ng misteryong pagkakasabi ni Finn Doria.

"Hindi mo na kailangan na problemahin ang bagay na 'yan!" Hindi tanga ang leon na 'to. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ng binata ngunit ang ipinagtataka niya lang ay bakit sinasabi sa kaniya ito ng binata.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن