Chapter XXXVII

Začít od začátku
                                    

Nagkadurog-duorg ang ulo nito at kumalat ang masangsang na amoy ng dugo sa paligid. Sandali pang nagpumiglas ngunit ilang segundo lang, huminto na rin ito kaya naman naging payapa na muli ang buong paligid.

"Nakakapanghinayang dahil maraming lason ang karne ng ahas na ito, kung hindi, siguradong kukunin ko ito upang gawing hapunan." tiningnan ng binata ang durog na ulo ng ahas at bahagyang umiling. Bumuntong hininga siya at muling nagpatuloy, "Ito na ang ika-labing dalawang Fourth Grade Vicious Beast na humarang sa dinadaanan ko... bakit hanggang ngayon wala pa rin akong natatagpuang Fifth Grade Vicious Beast?"

Ang binatang ito ay si Finn Doria. Narito pa rin siya sa malawak na kagubatan at bawat Vicious Beast na haharang sa dinaraanan niya ay madali niyang napapatay gamit lamang ang kaniyang pisikal na lakas. Bawat Vicious Beast na mapapatay niya, kinukuha niya ang mga mahahalagang parte sa katawan nito at inilalagay sa kaniyang interspatial ring. Walang awa niyang pinapatay ang lahat nangg haharang sa kaniyang dinaraanan gamit lang ang kaniyang kamao. Hindi niya na kailangan ng soulforce o armas para harapin ang mga Scarlet Gold Rank dahil sapat na ang isang atake upang sila ay mapaslang ni Finn Doria.

Nawawalan na nang gana si Finn Doria sa mahihinang Vicious Beast na ito. Naghahanap siya ng malakas na Fifth Grade Vicious Beast ngunit kahit anong paglibot ang gawin niya, hindi pa rin siya makahanap ng kahit isa. Andito siya upang magsanay at makakuha ng karanasan para mapataas pa ang antas ng lakas niya.

Gayunpaman, hindi pa rin siya nawawalan nang pag-asa. Malawak ang kagubatang ito at sa tingin niya, wala pang sampung porsyento ng kabuuan nito ang kaniyang nalilibot.

Nagsimula na siyang maglakad muli at iniwan na lamang doon ang bangkay ng Gigantic Vicious Python. Walang mahalagang parte sa katawan ng halimaw na ito dahil halos lahat dito ay nababalutan ng lason. Mayroon namang paraan upang matanggal ang lason nito ngunit kahit na madali lang ito para kay Finn Doria, hindi pa rin siya magsasayang ng oras para sa Fourth Grade Vicious Beast na 'to.

Mayroon siya sa kaniyang interspatial ring na iba't ibang uri ng Vicious Beast at ang bawat isa rito ay mayroong masasarap na uri ng karne na pwede niyang lutuin at kainin habang naglalakbay. Sa totoo lang, sa kasalukuyang lakas ni Finn, hindi niya na kailangan pang kumain. Maaari niyang gamitin ang soulforce sa kapaligiran upang punan ang pagkagutom niya dahil isa naman itong natural na enerhiya.

Mayroon ding mga makakapal na balat at balahibo ang mga ito na pwede niya namang gawing kasuotan sa oras na maubusan siya ng supply ng damit. Dahil sa isang matinding laban, hindi maiiwasan ang pagkasira ng kaniyang kasuotan kaya naman lagi siyang handa at nagdadala ng maraming kasuotan.

Unti-unti nang sumisikat ang haring araw at sa ilang oras na paglalakbay at pagpatay sa mga Vicious Beast na makakasalubong niya, tanging isang Fifth Grade Vicious Beast pa lang ang kaniyang natatagpuan. Isa iyong Poisonous Scaled Tortoise at may lakas ito na maikukumpara sa isang 2nd Level Profound Rank Adventurer. Malakas ang depensa nito na kahit ang ordinaryong 3rd Level Profound Rank ay nahihirapang kalabanin ang higanteng pagong na ito.

Gayunpaman, madali lang na napatay ni Finn ang higanteng pagong gamit ang isang kamao. Maging ang matigas nitong bahay ay nagkaroon ng maraming bitak-bitak dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ng binata.

Dahil dito, sobrang nainis si Finn, mabilis siyang tumakbo at naghanap ng kaniyang mabibiktima. Bawat Fourth Grade at Fifth Grade Vicoous Beast na makikita niya, pinapatay niya ito ng walang awa, grupo man sila o nag-iisa. Kinukuha lang niya ang mahahalagang parte ng mga ito at inilalagay sa kaniyang interspatial ring bago muling maghanap ng mabibiktima.

Hindi niya na kailangang maglabas ng armas dahil ang kaniyang mga kamao ay sapat na upang pumaslang ng mga Fourth Grade Vicous Beast. Hindi siya tumigil sa pagpaslang sa mga Vicious Beast na para bang uhaw na uhaw siya sa pakikipaglaban.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Kde žijí příběhy. Začni objevovat