DIARY 7

208 2 0
                                    

Dear Diary,

Nakakauwi nako't lahat lahat pero di ko parin malimutan yung nangyari kanina Diary. Yung yakapan scene kanina.

Napatingin ako bigla sa orasan na nakasabit sa kwarto ko, '1:07 am' na pala. Masyado yata kong linamon ng mga alaala kanina.

Kasi naman Diary, epal kasing Kenneth 'yan.

"Nadama ko ba naman kasi yung abs niya." Namula naman agad ang mukha ko, kaya agad akong nag-takip ng unan.

'Sandallleeeee!'

Gusto ko na ba si Kenneth?  Pero si Joshua ang gusto ko diba? Bakit hindi siya yung iniisip ko?

Napahawak ako bigla sa dibdib ko, at dinama ang mabilis na pag-tibok ng puso ko.

"Heart 'wag masyadong malande, di ba kay Joshua ka? Kahit alam mong may Samantha na siya." Napatulo naman ang luha ko.

Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako naiyak Diary, dahil ba kanila Joshua o dahil pa sa ibang kadahilanan.

Dahil sa kakaisip hindi ko namalayang 5 a.m na. Narinig ko na lang na may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ang aga mo yatang nagising ngayon? May almusal ka na sa lamesa, aalis nako." Hinalikan ako ni papa sa noo at lumabas na siya ng kwarto ko.

"Hindi pa naman kasi ako nakatulog eh!" Napasipa ako habang nakahiga. Napabangon nalang ako.

Napabuntong hininga ako sa kawalan, ng may kumatok sa pintuan ng bahay namin Diary.

"Sandali lang naman, katok ng ka---. Anong ginagawa mo dito?" Bigla nalang siyang tumawa Diary. At tinuro ang buhok ko.

"Ahhh. Pero ano ngang ginagawa mo dito? 5 a.m palang." Pag iiba ko.

"Gusto lang kitang makita." Bigla akong napahinto Diary. Parang nag-slowmo ang paligid at tibok lang ng puso ko ang naka-fast forward sa bilis.

"Kenneth..." Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

Hindi ko siya sinagot Diary at sinarhan lang ng pinto. Naririnig ko siyang sumisigaw at tinatawag ako. Pero di ko siya pinapansin.

"Ayokong mag-assume, ano ba self? Napaka-asumera mo!" Bulong kong sigaw sa sarili ko sabay subo ng kanin.

~×~

Diary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon