DIARY 5

114 1 0

Dear Diary,

Math time ngayon at may activity kami na by partner. Kahit ayoko munang kausapin si Samantha ay siya ang yayayain ko maging partner. Dahil ayoko rin namang kausapin si Kenneth, alam mo naman yung nangyari kanina Diary.

"Samantha, may partner ka na ba?" Humarap ako sa kanya at nag antay sa isasagot niya.

"Meron na. Akala ko kasi partner na kayo ni Kenneth, kaya nakipartner nako sa iba." Mabilis akong napatingin kay Joshua kasi baka narinig niya iyon at kung ano ang isipin niya.

Napaiwas naman ako ng tingin Diary nung nakita kong nakatingin sa akin si Joshua.

"Ahh okay." Tugon ko nalang kay Samantha. At kumuha nalang ng isang buong papel at isinulat ang mga given na nasa pisara.

Medyo mahirap ang mga tanong Diary pero sinagutan ko na ito, at salit-salit ang tingin sa pisara na kung saan nakasulat ang ibang eksampol na tumutulong sa pag sagot ko.

So yun nga Diary ng matapos na ako ay napatingin ako sa gawi ni Kenneth. Tulala itong nakatingin sa papel nyang walang sulat.

Kinalabit ko siya kahit nag dadalawang isip pa ako Diary.

"May partner ka na ba?" Pag tatanong ko sa kanya ng tumingin siya sa akin.

Umiling naman siya habang nakatitig sa akin. Sobrang naiilang na ako Diary pero hindi ko pinapahalata kay Kenneth.

"Partner nalang tayo hehe." Mahina kong saad at isinulat ang pangalan ni Kenneth.

Ng mag-bell na Diary ay pinasa ko na ang papel sa harap.

"Uwian time na yuhoo." Bulong ko Diary dahil hindi sa sobrang tuwa ko, kundi dahil makakaalis nako. Makakatakas nako sa awkward na aura dito.

Inayos ko na ang mga gamit ko Diary, pagkatapos ay tumayo agad ako. Lumabas agad ako sa school at nag antay ng jeep. Nang may humintong jeep ay nag-uunahan na ang mga estudyante, at dahil don ay natutulak nila ko Diary.

Madadapa na sana ako pero nakakapit ako sa isang tao. Mabilis akong umayos at hihingi na sana ng patawad sa taong nakapitan ko Diary.
Kaso hindi ako makapag-salita ng makita ko kung sino iyon.

"Okay ka lang ba?" Pag-tatanong nito habang nakatingin sa akin. Napayuko naman ako at napangiti ng palihim.

~×~

Diary Where stories live. Discover now