DIARY 3

149 2 0

Dear Diary,

Nagising nalang ako ng may maramdaman akong nakahawak sa aking kamay.

Napatingin ako rito at nakita si Samantha na nag-aalalang nakatingin sakin. Nasa clinic pala ako.

"Okay ka na ba?" Tanong sakin ni Samantha. Sinagot ko nalang sya ng tango Diary, kasi parang ang hirap mag salita dahil sa nakita ko kanina.

Ng lumingon ako sa gilid ay nabigla ako Diary dahil nandun rin si Joshua. Pero nakatingin nga lang sya kay Samantha.

Tumayo ako Diary at nginitian si Samantha  sabay lapit kay Kenneth na nakaupo sa harap ng hinigaan ko.

"Ayoko na rito. Ilabas mo na ko klasmeyt" mahina kong sabi kay Kenneth at naramdaman kong may tumulong luha galing sa mata ko.

Hindi ko kayang makulong sa iisang kwarto Diary na nandoon si Joshua at Samantha. Kasi bigla bigla nalang nansisikip ang dibdib ko at gustong lumuha ng mata ko.

Nginitian ako ni Kenneth Diary sabay harap kanila Samantha.

"Pwede bang iwan nyo muna kami?" Tanong nya Diary.

"Mag pagaling ka best." Yun yung huli kong narinig na sinabi ni Samantha. Agad akong napasalampak sa sahig at umiyak Diary.

Ilang taon ko ng gusto si Joshua kaya ang sakit-sakit. Para bang pinagtaksilan nila ko kahit alam kong wala akong karapatan.

Sinisipon nako sa pag-iyak Diary ng marinig kong mag "ehem" si Kenneth.
"Sorry... Akala ko kasi mag isa nalang ako. Hahaha drama ko" nag pupunas luha sabay tawa-tawa pa ko.

"Di mo na kaylangan mag panggap na ok kasi nakita ko na" inabutan nya ko ng panyo Diary.

Tinanggap ko kagad yung panyo nya Diary at pinangpunas sa basa kong mukha. Pagkatapos nun nahimatay ulit ako Diary pero biro lang. 

Tumayo nalang ulit ako at nginitian si Kenneth. "Uuwi nako. Salamat nga pala." Sabi ko kay Kenneth Diary.

Pero pinigilan nya ko. At tinitigan ako kaya tinitigan ko rin sya pabalik. Parang nag-aalala yung titig nya Diary. Di naman sa pagiging ilusyunada pero nakita ko talaga yun..

Hindi sya nag salita kaya nailang nako Diary. Ngumiti sya at sinabing "Hatid na kita. Baka mahimatay ka ulit eh" Kamot ulo nyang saad.

Tumanggi ako. Hindi ko sya boyfriend para  ihatid sa bahay namin at baka kung ano na namang isipin ng mga kapitbahay naming chismosa Diary.

Pero sa huli ako yung talo. Masyado syang mapilit at kinuha nya na ang bag ko. Sweet sya pero alam kong walang malisya yun.

Hinatid nya nga ko sa bahay Diary. Nung nasa tapat na kami ng bahay namin ay lumapit samin yung anak ng kapitbahay namin..

"Hindi pwo kayo bagay" dumila pa yung bata sakin Diary sabay ngiti kay Kenneth.
Kalandian din ng batang yun Diary.

Napatawa naman si Kenneth dun. Napatitig ako sa kanya. Dun ko lang talaga napagtanto na sobrang gwapo nya Diary. Natauhan naman ako ng marinig ko si Papa.

At dahil sa taranta pinaalis ko kagad si Kenneth. Sayang naman yung view.

                                      ~×~

Diary Where stories live. Discover now