DIARY 10

73 3 6

Dear Diary,

"Namumula ka. Masakit ba ulo mo?" Agad na napahawak si Kenneth sa noo ko gamit ang isa pa niyang kamay, at dinama kung may sakit ako.

"A-ano wala, mainit lang kasi." Nag taka naman si Kenneth sa sagot ko Diary.

"Gabi na, pero naiinitan ka parin?"

"Napagod kasi ako kanina, diba cleaner ako?" Agad kong binawe yung kamay ko kay Kenneth na hawak niya Diary at kunyaring nag punas ng pawis sa noo, kahit wala naman.

Napaisip naman si Kenneth at tumango-tango. Napatingin naman kami sa likod ng may tumawag kay Kenneth Diary.

"Kenneth!" Tumakbo ito papalapit samin. At may inabot kay Kenneth. Isa ito'ng papel.

"Para saan to?" Kinuha ni Kenneth ang papel pero agad na tumakbo papalayo ang babae, ng hindi sinasagot ang tanong ni Kenneth Diary.

"Love letter ata yan." Wala sa sarili kong sabi. Bigla naman siya'ng napatingin ng gulat sa akin Diary. Dahil sa naging reaksiyon niya Diary ay napatawa ako.

"Wag ka kasing mag sasabi ng ganyan bigla-bigla. Tsaka 'di ko nga kilala yung babae." Mabilis na sabi niya dahil sa pag-tawa ko.

Binuksan niya na ang papel Diary kaya na nahimik na muna ako. Namula naman ang mukha ni Kenneth na para bang nahihiya. Kaya agad kong sinilip yung nakasulat sa papel.

Pag katapos kong mabasa yung nakasulat Diary ay agad na nag init ang mukha ko. Paano ba naman kasi. Pangalan namin ni Kenneth ang nakasulat, at ang ibang letra ay may mga tarak Diary.

"Lover..." muling basa ni Kenneth.

~×~


Diary Where stories live. Discover now