DIARY 11

25 0 0

Dear Diary,

Sinundo nga ako ni Kenneth Diary. Kaya sabay kaming pumasok. Pero katulad parin nung una. Walang nag sasalita samin.

Umupo na ako sa aking upuan at nag-labas ng
earphone at nag simulang makinig ng mga kanta. Napatingin naman ako sa pinto ng mahagip ng mata ko si Joshua. Yung matangos niyang ilong, mahahabang pilik mata, makapal niyang kilay at manipis na labi.

Halos kabisa ko na ang mukha niya, kaya kahit wala siya ay nakikita ko ang mukha niya.

Pumunta na ito sa kaniyang upuan, at mula sa upuan niya ay may nilagay siyang pulang rosas sa arm rest ni Samantha. Tumingin ito sa akin at nag senyas na 'wag akong mag-ingay.

Bigla akong napangiti at tumango, ngumiti ka rin sa akin at tumalikod para umupo sa iyong upuan.

Nag laho agad ang aking mga ngiti at pinagmasdan ang pulang rosas. Napahawak nalang ako sa aking dibdib.

"Bakit kasi ayaw mo'ng tumigil? Meron na nga kasi, bawal na." Mahina kong bulong. Hinahampas ko ng mahina ang aking dibdib, baka sakaling tumigil na.

"Good morning class." Napatayo agad ako at tinanggal ang earphone ng marinig ito.

"Good morning Ma'am..." Pagkatapos ko iyong sabihin ay agad na nag tawanan ang mga kaklase ko. Paano ba naman kasi Diary si Samantha lang pala yung nagsabi nun.

Napaupo nalang ako sa aking upuan at tumulala. Hindi ko nalang pinansin yung tawanan nila.

Agad namang nawala ang ingay ng mga kaklase ko ng dumating na talaga ang aming guro.

Sabay-sabay kaming bumati at umupo. Maya-maya ay nag simula ng mag talakay ang aming guro tungkol sa hindi natapos na aralin.

Ngunit wala ako sa wisyong makinig Diary. Kaya nag drawing nalang ako ng kung ano-ano sa likod ng pahina ng aking kwaderno.

Nagulat nalang ako ng niyuyugyog na'ko ni Samantha.

"Tawag ka ni Ma'am." Medyo kinakabahang sabi nito. Kaya agad akong napatingin sa aming guro na nakatitig rin sa akin.

"Ibigay mo ang mga walong bahagi ng pananalita." Masungit na tanong ni Ma'am. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko Diary.

"Ano Ma'am panghalip, pangalan... Pandiwa, tsaka ano, pang-ukol, pang-angkop, pang-uri, pang-abay at..."

Naramdaman kong sinisipa ng mahina ni Kenneth ang paa ko kaya napatingin ako sa kanya. Agad naman akong napatingin sa tinuturo ng daliri niya.

"Pangatnig." Basa ko sabay tingin sa aming guro. Agad namang napatango ito at pinaupo na ako.

"Salamat Kenneth." Mahina kong sambit habang nakatingin sa aming guro.

"Wala yon. Malakas ka naman sakin eh." Hindi ako nakatingin kay Kenneth pero ramdam kong nakangiti siya ng sinabi niya iyon Diary.

Bigla nalang rin akong napangiti ng hindi ko namamalayan.

Break time na namin ngayon Diary pero hindi parin ako pumunta sa canteen. Natatamad kasi ako, bale tamang kinig nalang ako ng mga kanta sa selpon ko, habang nagbabasa sa Wattpad.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay may naglagay ng hamburger sa arm rest ko.

"Ehh?"

~×~

Diary Basahin ang storyang ito ng LIBRE!