DIARY 1

371 11 0

Dear Diary,

First day nanaman ngayon ng pasukan at makikita ko nanaman ang mga kalog, maingay, at mapang-asar kong mga kaklase. Kami-kami parin kasi ang mga mag ka-klase. At syempre kasama na dun si Joshua. Joshua Mirez ang crush ko.

Ako ang unang pumasok sa room at syempre pinili ko na ang dulo dahil alam kong lagi syang naupo sa second to the last row.

Dahil sa maaga akong pumasok ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pero ng marinig ko ang boses ng mga kaibigan mo ay napamulat agad ako ng mata, at nakita kitang umupo sa kaliwang upuan ng kaharap ko.

Napangiti rin tuloy ako ng makita kitang ngumiti sa mga tropa mo. Pero nawala ang ngiti ko ng umupo ang mabunganga kong best friend sa kaliwa ng aking kinauupuan.

Hindi kasi alam ng best friend kong si Samantha na crush kita Joshua.

Nahihiya kasi akong ipaalam kay Samantha na may gusto ako kay Joshua, kaya ayon.

Nag-taka at nanibago ako kay Samantha ngayon dahil, dapat pag-pasok na pag-pasok nya sa room ay mag-iingay na agad ito pero ngayon ay cell phone ang hawak-hawak nya at nangiti-ngiti pa sya.

Pero di ko nalang sya pinansin dahil mukhang masaya naman sya sa ginagawa nya.

Hanggang sa dumating ang magiging guro namin. Natahimik naman ang buong classroom dahil mukhang masungit ito. Pero nakahinga kami ng biglang ngumiti ng pag-kaganda-ganda ito.

Nag-pakilala ito saamin at sinabing may isang transferee na madadagdag saamin at lalaki daw ito. Kaya nag-hiyawan ang mga kaklase kong babae at syempre hindi ako kasali don.

Pero ng pinapasok na ng aming guro ang magiging kaklase namin ay mas-lalong nag-hiyawan ang mga babae, dahil pogi ito at hindi ko maitatangging mas-pogi ito kay Joshua.

Pinag-intruduce sya ni Ma'am at nag-pakilala naman agad ito. Ang pangalan nito ay Kenneth M. Arizadon. 16 years old na sya at mas matanda sya sakin ng isang taon. At pag-katapos nyang mag-intruduce ay pinapili sya ng aming guro kung saan ang uupuan nya.

Dahil wala akong paki-alam kung saan uupo si klasmeyt Kenneth ay, namili nalang ako ng notebook para sa subject na yun. Pero natigilan ako ng may naramdaman akong umupo sa kanan na katabi ng upuan ko.

Napamaang naman ako dahil sa akin ito tumabi. Napatingin ako sa notebook na napili ko dahil hindi ako sanay na may makatabi ako sa upuan, dahil walang gusto tumabi sakin dahil napaka-tahimik ko daw, at nakakatamad daw akong katabi. Syempre except kay Samantha.

Napayuko ako sa notebook ko na halos mag-dikit na ang muka ko sa notebook ko. Pero yung ball pen kong Faber castle ay nahulog sa saheg at dun pa huminto sa tapat ni Kenneth.

Hindi ko na kinuha yung ball pen ko at tumitig nalang sa aming guro at nakinig. Pero maya-maya ay may kumalabit sakin at sa kanang bahagi iyon.

Dahan-dahan akong lumingon kay Kenneth dahil sya ang kumalabit sakin.

Pag-kaharap na pag-kaharap ko sa kanya ay tinanong ko na agad sya ng "Bakit?".

Hindi sya sumagot sakin at pinakita nya lang ang hawak na ball pen. At yung ball pen na hawak nya ay yung ball pen ko.

Agad ko namang inagaw sa kanya yun pero... Natigilan ako dahil sa kinilos ko... Napatingin ako sa mata ni Kenneth at para bang nagulat din sya sa ginawa ko, pero nginitian ko lang sya ng plastic na ngiti, sabay tingin ulit sa guro namin.

Natigilan ako dahil sa mahinang tawa na narinig ko mula kay Kenneth.

Napatingin naman ako kay Kenneth at binigyan sya ng nag-tatakang tanong dahil sa pag-tawa nya.

Pero napatulala ako ng sinabi nyang "you're cute".

~ × ~

Diary Basahin ang storyang ito ng LIBRE!