DIARY 6

101 0 0

Dear Diary,

"Okay ka lang ba?"

Napayuko ako at napangiti. Tumango nalang ako bilang tugon sa tanong niya Diary.

"Wala ng jeep!" Rinig kong sigaw ng kapwa estudyante. Napatingin naman ako sa sumigaw, at sa kaninang pinaradahan ng jeep.

"Wala na nga." Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan.

"Sabay ka nalang sakin." Nakangiting sabi nito.

"Ha?" Napatingin agad ako kay Joshua nung sabihin niya iyon.

Si Joshua nga Diary.

Napatawa naman siya sa naging reaksyon ko.

"Madadaan ko naman yung terminal ng jeep dun. Pwede kitang ibaba, para makasakay ka roon." Page-explain nito habang nakaupo sa motor niya.

Alam kong madadaanan nga iyon ni Joshua Diary. Kaso nakakahiya naman.

"Ano... Wag na mag-aantay nalang ako ng jeep. Si Samantha?" Pag lilipat ko ng topic.

"Sumabay dun sa kaybigan niya." Pag sagot niya Diary habang kinakamot ang ulo.

"May kuto ka?" Napatakip agad ako ng bibig dahil sa nasabi ko. At napatawa na lamang si Joshua.

"Sasabay ka ba o maghihintay ka pa ng ilang oras para makasakay?" Sinuot niya ang helmet niya ng nakatingin sakin.

Hindi ko close si Joshua Diary pero, hindi rin kami yung snobb sa isa't isa.

"Sure ka ah?" Pag tatanong ko sa kanya.

"Oo naman, ito helmet." Sabay abot ng helmet sakin.

Medyo nalungkot ako Diary. Kasi yung inaasahan ko is isusuot sakin ni Joshua yung helmet sakin katulad sa mga napapanood ko.
Akala ko lang pala, tsaka may girlfriend na siya noh.

Sinuot ko na yung helmet at sumakay sa motor niya. Kumapit lang ako sa polo ni Joshua Diary.

Nung paalis na sana kami ay biglang may humarang sa tapat ng motor ni Joshua Diary.

"Tang---"

"Pwedeng sumabay? Na-flat kasi yung gulong ng bike ko." Pinutol niya ang mura ni Joshua at tuloy tuloy na nagsalita at biglang sumiksik sa gitna namin ni Joshua.

Bale siya na yung nasa gitna.

"Anong ginagawa mo?" Di makapaniwalang tanong ni Joshua kay Kenneth. Oo si Kenneth.

"Dun nalang rin ako bababa sa bababaan niya, Salamat." Mabilis na sagot ni Kenneth.

Napabuntong hininga nalang si Joshua Diary at pinaandar ang motor nito. Sa biglang pag andar ng motor ay bigla akong napakapit sa bewang ni Kenneth.

Nagulat nalamang ako ng kunin ni Kenneth ang kamay ko at yinakap niya sa sarili niya. Bale yakap ko na si Kenneth Diary.

Gusto kong bumitaw pero gusto ko rin mag stay sa ganung posisyon. Diary naguguluhan nako sa sarili ko.

~×~

Diary Basahin ang storyang ito ng LIBRE!