DIARY 2

392 2 2
                                    

Dear Diary,

Maaga ulit akong pumasok ngayon. Gusto ko kasi lagi na nauuna akong pumasok. Pero napatigil ako sa pinto ng makita ko si Kenneth na nakayuko sa arm chair nya.

Lumakad ako ng mabagal para siguraduhing hindi ako makagawa ng ingay at hindi magising si Kenneth. Dahil natutulog pala ito. Ng makaupo na ko sa aking upuan ay nag labas ako ng notebook upang mag-sulat sulat ng kung ako-ano sa huling pahina nito.

Ng matapos kong sulatin ang salitang 'Joshua' ay may narinig akong nag basa nito.

"Joshua"

"Yah! Bakit mo binasa?" Sigaw kong tanong habang yakap-yakap ang notebook ko.

"Ahh. Nakita ko lang naman kaya nabasa ko" sagot nya habang kinukusot ang kanyang mata.

"Wag mong basahin dahil hindi tayo close" sabi ko sabay dila sa kanya.

Bigla nya namang inusog ang kanyang upuan papalapit sa akin Diary. At naiilang akooo.

"Yan close na tayo" nakangiti nyang sagot.

"Ahmm. Hehe. Pwede ka bang lumayo?" Nakayuko kong tanong.

Hindi talaga ko sanay Diary na may katabing lalaki. Naiilang talaga ako ng sobra at naiinsecure  kasi ako sa sarili ko Diary.

"Ahh. Paano kung ayaw ko?" Tanong ni Kenneth sabay silip sa mukha kong nakayuko.

Napapikit ako ng ilang beses Diary dahil ngayon palang may nakalapit sakin ng sobra. At lalaki pa.

Napatulala ako Diary. Di ko alam ang gagawin pero bumalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Joshua

"Hahaha. Babe ano gusto mo?" Tanong ni Joshua sa isang babae na mahalaga sakin. Ang best friend kong si Samantha.

"Ikaw. Haha. Love you babe" sagot naman ni Samantha sabay halik sa labi ni Joshua.

Pag katapos ng halikan scene nila Diary ay nag hiyawan ang tropa ni Joshua at pumasok na sila sa room.

Diary ang sakit makita na nag halikan ang crush ko at ang best friend ko.

Bigla nalang akong nakaramdam ng parang masikip at para akong naka-kulong sa isang bisig.

Wala ako sa sarili Diary ng makita ko yung moment nila. Di ko nga naramdaman na naka pag-lakad ako papunta sa garden at umiiyak na pala ako ng sobra.

"Hoy! Tumahan ka na" natatarantang sabi ni Kenneth.

"Ayaw ko tumahan! Ansakit kayang makita na nag halikan ang dalawang tao na mahalaga sakin!" Sigaw kong sagot kay Kenneth.

"Pero baka may maka-kita satin dito at sabihing pinaiyak kita." Naprapraning na ani ni Kenneth at tumitingin sa paligid kung may nakakakita nasa amin.

"Bakit mo kasi ako dinala rito?" Lumuluha kong tanong.

Pero nabigla nalamang ako sa biglang pag yakap sakin ni Kenneth.

"Babe wag ka ng umiyak huh? Nabigla ka ba sa surprise ko?" Bigla nyang tanong.

Pero ng oras nayun Diary ay parang huminto ang paligid. Nagulantang ang buo kong sistema Diary. Sya nanaman ang nakaunang makayakap sakin na nasa wisyo ako...

"Wooohh. Muntikan nayun. Buti nalang at nakagawa ako ng paraan para maisip nilang masaya ang nangyari kaya ka naiyak" tatawa-tawa nyang sabi.

Pero natulala ako at hindi parin maka get over sa yakap nayun...

"Hey? Are you okay? Namumutla ka.." Kinakabahan nyang ani.

Pero bigla nalang umikot at nag dilim ang aking paningin.

~  × ~

Diary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon