"Bakit ba ang sungit mo Chocopie?" Tiningnan ko lang siya ng masama.

"EWAN! NAIINIS AKO SAYO." Tapos tinanawanan niya lang ako, ay nako! Lagi na lang ako tinatawanan nito. 

"Sige ka kung ganyan ka lagi, maghahanap ako ng makakausap ko."

"Edi maghanap ka! Anong pake ko."

"Sabi mo yan ha. Maghahanap ako ng mga chicks dito." At ako naman ang tumawa sakanya.

"Baka maghanap ng chicks? Alam ko naman lalaki ang hahanapin mo." 

"Ehhh. Chocopie naman eh! Wag ka ng masungit. Sorry na kung medyo naooffend kita sa ginawa kong letter. "

"Bakit nagsosorry ka ngayon? Sige na maghanap ka na." Irita kong sabi. Niyakap niya ako.

"Ehh Wag ka na magalit. Sorry na, di ba date natin toh? Wag tayo mag-away oh. Tsaka di naman ako maghahanap talaga e. Kahit may makita akong sexy at magandang babae dyan o kahit lalaking masculado at ubod ng gwapo. At 6 pack ang abs di kita ipagpapalit pero titigan ko lang yung lalaki." Napa-huh na lang ako sa sinabi niya at tumawa lang siya sa akin.

"Baliw ka." Niyakap niya lang ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Yiee~ Di na yan galit si Chocopie at di na rin yan magsusungit!" Napatawa na lang ako.

"Ewan ko sayo Tofer. Kahit magalit ako sayo, onting biro  mo lang sakin nawawala na."

"Syempre ayoko naman palakihin ang away natin eh." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Ikaw lang naman kasi nang-aaway sating dalawa!" 

"Pikon ka kasi lagi." Napabusangot ako sa sinabi niya tas tinawanan niya lang ako.

"O kitams! Napipikon ka nanaman." Patawa niyang sabi sa akin.

"Lagi ka namang ganyan sa akin.Bully!"

"Mahal mo naman kahit bully."

"Oo nga eh, nakakainis nga minsan di mapigilan yung pagmamahal." Pangiti kong sabi tapos tumingin sakanya at nakita ko siyang namula.

"HAHAHAH. kinilig ka sa sinabi ko Tofer? " This time ako naman ang mang-aasar sakanya.

"Ha? H-hi-hindi ah! Ang init lang kasi. Tingnan mo nga yung araw sobrang tirik." Tinawanan ko siya.

"Di mo ko maloloko. Baliw ka ba?Ang lilim ng pwesto natin oh. Aminin mo na kasi kinilig ka sa sinabi ko. Yiee!" 

"Hindi nga. Sus! Bakit ako kikiligin? Ang korni nga e. Ang baduy! Yuck." Maarte niyang sabi sa akin, di ako susuko sa pang-aasar sayo. Mwahahaha.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Onde histórias criam vida. Descubra agora