Chapter 05:

6.6K 183 8
                                    

 

 

Chapter 05:

 

POV OF FAJUZIA :  

 

First kiss ko. Waa! First kiss ko, bakit nanakaw ka?! Bakit nakuha yun? Bakit nakuha pa ng isang bading?!? Bakit nakuha yun ng isang BADING!?!?!?!??!!?

 

Sa tagal ko na pagiging No Boyfriend Since Birth bakit nanakaw lang ng isang Bading ang aking first kiss. Nakakainis naman eh!

 

 

 "HOY FAJUZIA!"

 

 

"Uy, nandyan pala kayo Jenna." Bigla silang dumating dito sa tambayan namin sa University.

 

 

" Ay wala teh! Nandoon kami oh, nakikita mo yun?" Sagot sa akin ni Sheena

 

 

"Bakit kayo nandito kung nandoon kayo?" Mataray kong sagot sakanila.

 

 

"Ang taray naman nitong Fajuzia na ito.Totoo ba yung kumakalat? Kiniss ka ni Tofer?" Napatingin ako kay Jenna at napayakap sakanya.

 

 

"Waaa! Bakit first kiss ko pa siya? Bakit sa bading pa?! Waaaaa. Nakakainis."  Napatawa silang dalawa, inalis ko yung yakap ko kay Jenna at tiningnan ko silang dalawa ng masama.

 

 

"Anong nakakatawa?"

 

 

"Ibig sabihin totoong boyfriend mo din ba si Tofer?" Tanong sa akin ni Sheena

 

"Hindi ko naman talaga siya boyfriend eh. Ganito kasi yun, di ba tinext ko kayo na pinapapunta ako sa admin office kasi akala ko may ginawa akong problema pero ang nangyari kinausap ako ng daddy ni Tofer." Nagulat silang dalawa sa sinabi ko.

 

 

" Oh tapos anong sabi sayo?" Panguusisa ni Jenna.

 

 

"Humingi sa akin ng favor na gawin ko ang lahat para mapatino ko si Tofer bumalik sa pagiging lalaki. Kapalit nun ay boxes of gummy bear per year." Biglang natawa sila sa sinabi ko.

 

 

" Ang babaw naman ng kapalit. Pero di na ako magtataka kung bakit ka pumayag eh paborito mo yung gummy bear eh. " Patawang sabi ni Sheena.

 

 

"Pero interesting yung favor sayo Fajuzia ha." Sabi ni Jenna tapos tiningnan ko lang silang dalawa at nakangiti lang sa akin.

 

 

"Very Interesting." Sabay nilang sabi at sabay din silang umalis. Ah okay! Ang weird ng dalawa kong kaibigan? Ganun-ganun lang?Bigla-bigla ako iniiwan. Mga alien ata kaibigan ko eh. Di man lang ako damayan.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now