Chapter 11:

5.2K 139 4
                                    

Chapter 11:

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

"Jusko, Tofer kailan mo ba ako lalayuan? Lagi ka na lang nakadikit sa akin.Di ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko?" 

"Bakit naman ako magsasawa sa pagmumukha mo? E araw-araw naman kita mamahalin at sa bawat minuto nun lagi ako naiinlove sayo." Tinaasan ko siya ng kilay at di ko na siya pinansin. Waaa! Nakakainis, alam niyo yun? Mula umaga laging nakadikit tong bading na ito. Nakakairita, ayaw ako pakawalan maski ata pagpunta ko sa banyo di din ako tatantanan nito eh.

"Chocopie!"  Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko. Di ko pala makakasama sila Sheena, may gagawin daw silang project.Namimiss ko na sila.

"Ui Chocopie, pansinin mo naman ako." Tiningnan ko siya tapos bigla siyang ngumiti sa akin.

"Hmm. Tutal umamin ka sa akin na gusto mo ako, ibig sabihin pwede na ako magreport sa Daddy mo na lalaki ka na. Ibig sabihin di ka na bading di ba?" Tapos biglang sumimangot mukha niya.

" Sinong nagsabi na hindi na ako bading? Yang outfit mo nga eh napakamanang. Gusto mo ayusan kita? Tsaka tingnan mo yung lalaki dun ang gwapo pero di ko type." Tiningnan ko lang siya.

"Ibig sabihin yung pag-amin mo sa akin trip lang yun?" 

"No. Seryoso ako dun. Tsaka ano ba! Hindi kita papapuntahin kay Daddy para ireport yun. Ayoko mawala ka sa akin.." Oshemay! Lakas nanaman ng tibok ng puso. Ahhh! Ayoko ng ganitong feeling eh.

"Kahit kailan napaka-cheesy mo!" Tapos tumawa siya.

"Kinikilig ka naman?" Tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Asa ka!"

"O sige sabi mo yan ha." Tinitigan ko siya.

"Anong pinagsasabi mo dyan?"

"Sabi mo Asa ako. Ibig sabihin aasa ako sayo na mapapasagot kita at magiging tayo." Sabay ngiti niya sa akin.

"Mukha mo! Hindi ka nga nanliligaw sa akin? Tapos magiging tayo! Tss."

"Osige pagnanligaw ako sayo, papayag ka?" Natahimik ako sa sinabi niya pero nabawi ko naman yun.

"Tss. Ayoko nga. Ganyan ka lang manligaw? Buti pa si Harry , nung isang araw nagpadeliver ng bouquet ng roses sa bahay. Tapos nung nakaraan lang tumawag siya sa akin at kinamusta niya ako. At alam mo ba close na sila ni Mama at Papa." Tapos napansin ko yung mukha ni Tofer na parang nakabusangot. Tss. Totoo naman eh, ginawa ni Harry yun sa akin. Kinilig nga ako eh :''>

 "Tss. Kinilig ka naman sa ginawa niya?"

"Oo, sino bang hindi kikiligin sa ginawa niya?" 

"Tss. edi sagutin mo na. Kinilig ka pala eh." Tapos tumawa ako. Para kasing ewan si Tofer.

"Nagseselos ka ba kay Harry?Gusto mo ba siya? Sabihin mo lang sa akin ititigil ko na yung panliligaw niya."

"Gagawin mo talaga yun? Ititigil mo talaga panliligaw niya sayo, pagsinabi kong gusto ko siya?" Ngumiti siya sa akin pero tinaasan ko siya ng kilay.

"Pwede kong gawin yun, kung mapapaniwala mo talaga akong gusto mo siya." Tas nginitian ko siya at siya naman yung sumimangot ang mukha.

"Fajuzia!"  Nilapitan ako ni Harry at nginitian ko siya.

" Hi Harry! Tapos na klase mo? Nakita mo ba sila Jenna?" Tanong ko sakanya.

"Ah sila Jenna ba hindi ko sila klaklase,  iba subjects ko sakanila ngayon. Irregular student ako eh, Uhmm. Fajuzia , pwede ka ba makausap yung tayo lang?" Tiningnan ko si Tofer tapos nakataas ang kilay niya.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Kde žijí příběhy. Začni objevovat