Chapter 25:

3.3K 80 0
                                    

Chapter 25:

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

 Kahit medyo malungkot ang anniversary namin ni Tofer kagabi dahil sa hindi ko malamang rason, naging masaya din naman pagkatapos nun kasi pinaramdam niya talaga sa akin na mahal niya talaga ako. Namiss ko tuloy yung bading na yun.

" Hala ka, ngumingiti si bestfriend oh." Asar sa akin ni Jenna.

"Tse, bakit ba!" Pangtataray ko sakanya.

"Nako-nako. Umiinit na ulo ni Fajuzia. Oh eto na mga java chip niyo." Singit ni Harry, nandito kami sa coffee shop. Ngayon na lang kasi kami ulit nagkabonding-bonding e. 

"Thanks my sweetipie." Sabay halik ni Sheena kay Harry.

"Ughh.Please, not in public." Natawa ako sa sinabi ni Jenna.

"Tss. Manang alert!" Pang-asar sakanya ni Sheena.

"Tama na magkakapikunan lang kayo eh." Awat ni Harry sa dalawa.

"Hmm. Bakit kaya di nasagot toh si Tofer sa tawag at sa text ko?" Nasabi ko na lang bigla, tas napansin ko bigla sila natahimik.

" Hey guys, may dumaang anghel lang?" Bigla kasi sila natahimik e kaya ginigising ko sila para makapagsalita Hahahaha.

"Hahaha. Paano naman dadaan ang anghel?" Patawang sabi ni Jenna.

" Ewan ko. Baliw ka talaga kahit kailan!"

"Pero musta pala ang anniversary niyo kagabi?" Pangiting sabi sa akin ni Jenna.

"Hmm, sobrang saya pero yung gabi yun di ko alam kung  bakit ganun kutob ko."

"Anong kutob?" 

"Yung feeling na iiwanan niya ako." Tas napansin ko bigla silang napayuko.

"Hoy, Ano nanaman nangyari sainyo? Kanina bigla kayo natahimik ngayon naman napapayuko kayo. Anong meron dyan sa ilalim?" Tumingin ako sa ilalim nila pero wala naman.

"Kailangan mo na malaman." Nagulat ako kay Sheena bigla kasi naging seryoso.

"Best." Mahinang sabi ni Jenna. Tumingin si Sheena kay Harry.

"Sabihin mo na." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni Harry.

" May dapat ba akong malaman kasi kinakabahan ako sainyo." Sabi ko.

"Fajuzia, si Tofer ay pumunta ng Canada." Ha? Napatigil ako dun.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now