Chapter 10:

6.7K 156 5
                                    

Chapter 10:

 

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

WAAAAA! Naloloka na ako? Kailan lang nagconfess sa akin si Harry na gusto niya ako noon pa naman at ngayon nanliligaw siya. Tapos heto may dadating na bading tapos sumingit ang daddy niya at nagkaroon kami ng deal at dahil sa piste kong bunganga naging boyfriend ko siya at pumayag din ako magpaligaw kay Harry.

Waaa. Di ko alam ang gagawin ko? Hmm. Kay Harry, Inaamin ko sa sarili ko na crush ko siya, pero yung umabot sa gusto at mahal, wala pa sa ganun. Kung gusto naman, gusto ko siya bilang kaibigan. Kay Tofer naman? Tss. Yung bading na yun di ko alam kung ano talaga gender nun eh?! At ang nakakainis ang dami niya ng ginawa sa akin at di gawaing bading yun. Gawain ng isang magkarelasyon yun. Pero ano ba relasyon namin? Wala naman.

Pero ang sabi ko boyfriend ko siya, WAAAA! Pero di ko siya mahal. Gusto? Hindi ko alam. Waa. Nahihibang na ako. Kung anu-ano na nangyayari sa utak ko.

"Ate Fajuzia, Okay ka lang ba?" Tiningnan ko yung kapatid ko.

"Ewan ko sayo." Masungit kong sabi sakanya tapos tinitigan ako ni Mikaela at nginitian.

"May problema ka Ate noh? Halata sa mukha mo eh." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano ngayon? Wala ka ng pake dun."

"Napakasungit talaga.Well, sanay naman na ako sayo Ate. Kung namomoblema ka sa pag-ibig baka matulong ako." Pangiti niya pang sabi tapos nilapitan ko siya.

"Bata ka pa, wala ka pang alam sa pag-ibig."

"Dalaga na ako! " Pagmamayabang niya sa akin tapos nginitian ko siya.

"Pero baby girl ka namin di ba?" Tapos sumimangot yung mukha niya tapos umalis sa harapan ko. Ayaw niya kasi siyang tawaging baby girl kasi nga dalaga na siya. Which is totoo dalaga na siya pero parang baby parin siyang kumilos. Hahaha.

*KRING.KRING.KRING.*

"Hello Tofer." Yup, siya yung tumatawag sa akin sa cellphone ko. 

"Chocopie, date tayo ngayon."

 "Ayoko at anong chocopie? Mukha mo.Manigas ka!"

"Mukha ko?Magandang gwapong bading na lalaki." Napataas yung kilay ko sa sinabi niya.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Kde žijí příběhy. Začni objevovat