Chapter 13:

4.5K 107 1
                                    

Chapter 13:

POV OF TOFER SANTOS:

Bad Fajuzia! B-A-D! You're a badgirl. Grabe di ko aakalain yun nakita ko kagabi, balak niya ba talaga halikan si Harry. KALOKA! Tsaka di ko hahayaan na malaman ng lahat na girlfriend siya ni Harry kung hindi naman totoo di ba? Oo, narinig ko lahat ng usapan nila sa rooftop. Maski yung sa amin ni Hannah pinag-usapan pa nila. Tss! Pero yung kagabi, acck! Hinalikan ko si Harry? Yuck. Tapos nagsabi pa ako ng kissable lips. AISH! Pero maganda din yung ginawa ko at least. PERO! SI FAJUZIA TALAGA EH! 

"CHOCOPIE!"  Tiningnan niya ako ng masama na parang nandidiri at inirapan ako. Bago pa siya makaalis ay hinabol ko na agad siya at hinatak yung kamay niya.

"Wag mo  nga ako mahawak-hawakan. " Pero imbes na bitawan ko siya hinigpitan ko pa.

"Problema mo? Ahh. Siguro yung nangyari kagabi noh? Nagseselos ka ba kasi hindi ikaw yung hinalikan ko?" Tapos nginitian ko siya, kaso yung lagi niyang ginawagawa lagi nakataas ang kilay. Automatic na ata tumataas kilay niya eh.

"KAPAL! Ako magseselos? Yuck. Nakakadiri kaya yung ginawa mo, tsaka di ka pa nahiya. Pinakita mo pa talagang bading ka sa harap ng tao at sa harap pa ng Mommy ni Harry. Grabe ka Tofer!" Tapos umiling -iling siya.

"Okay lang yun. Kaysa naman kayo yung maghalikan dun? Mas lalong hindi ako papayag. Unang-una hindi ka niya naman talaga girlfriend. At pangalawa may usapan kayo ni Daddy at ikaw mismo nagumpisa na BOYFRIEND MO AKO! Pangatlo, gusto mo bang malaman ni Tita Rhia na TWO TIMER KA? Kaya mas magandang ipakita ko na lang sakanila yung ginawa ko kay Harry." Tapos pumalakpak siya, Owww. Ibig sabihin naamaze siya ginawa ko? Kaya binitiwan ko siya tapos ngumiti ako sakanya.

"So Proud ka na niyan? Unang-una, Tungkol sa pagkakilala sa akin ni Harry kay Tita Rhia na girlfriend niya ako. Naexplain na ni Harry ang totoo. Pangalawa, Oo may usapan kami ng Daddy mo pero BINABAWI KO NA BOYFRIEND KITA KASI KAHIT KAILAN HINDI AKO PAPATOL SA BADING. Pangatlo, katulad ng sinabi ko nung una napaliwanag na ni Harry kay Tita Rhia at tinawagan niya ako kanina. At ISA PA HINDI MAGANDA YUNG GINAWA MO KAGABI DAHIL, hiyang-hiya si Harry sa ginawa mo kaya hindi siya nakapasok." Inis niyang sabi sa akin.

"Galit ka ba sa ginawa ko?" Malungkot kong sabi tapos napabuntong hininga siya.

"Hindi naman sa galit, nakakahiya lang yung ginawa mo Tofer. Kung nagseselos ka kagabi sana pinigilan mo ang sarili pero yung ginawa mo nandamay ka pa ng tao kaya yung taong yung nahihirapan. Think before you act , dapat yun ang naisip mo Tofer bago mo ako itulak at halikan si Harry."

"Hmm. Sorry sa ginawa ko.Magsosorry din ako kila Tita Rhia pagkatapos ng klase." Tapos nginitian niya ako.

"That's Good to hear." Tapos aalis na sana siya kaso hinarangan ko siya.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt