Chapter 34:

3.4K 73 0
                                    

Chapter 34: 

POV OF TOFER SANTOS:  

    Kasama ko ngayon ang aking mahal na Chocopie sa dati naming University kung saan nagsimula ang lahat. At hindi ako bumalik ng Canada, hinayaan na lang ako ni Daddy kasi kahit anong gawin niya alam kong susuwayin ko siya.  Natatawa nga ako sana dati ko pa ginawa yung magmamakaawa kay Lolo edi sana dati pa ako umuwi ng Pilipinas at sana dati ko pa sinabi kay mommy. At ang tanga din ni lolo e, papauwiin niya ako ng walang bantay edi syempre gagawin ko na ang lahat para makasama si Fajuzia. Haaay~

"Parang kang baliw dyan, tumatawa mag-isa." Sabi sa akin ni Fajuzia, tiningnan ko siya.

"Ang saya ko lang kasi nakasama kita ulit." 

"Ikaw masaya ako nalulungkot."

"Bakit naman?"

"Namimiss ko kasi si Eycee kahit niloko niya ako." Ano ba yan.Eycee! Ka-selos ha. (-__-)

"Edi sana sumama ka na lang sakanya." Tapos tinalikuran ko siya.

 "Ui Tofer, nagseselos ka ba sakanya?"

"Eh kasi naman tayo nga magkasama pero sa utak mo naman si Eycee." Tas  narinig ko siyang tumawa. Grabe tinatawanan lang ako.

"Wala eh naging importante din kasi siya sa akin." Tss. Importante sakanya e ano ako?

"Ewan ko sayo."

"Ui. Tofer. Tofer naman eh" Tiningnan ko lang siya.

"Katampo ka." Nginitian niya lang ako tas niyakap niya ako.

"Sorry na Tofer. O sige na, hindi ko na babanggitin si Eycee. Wag ka na magtampo dyan." Napabuntong hininga na lang ako.

"Ano pa nga ba magagawa ko? Di naman kita matiis." Tas niyakap niya ako ng sobrang higpit, hindi ko talaga matiis ang chocopie ko kaya napangiti ako.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Onde histórias criam vida. Descubra agora