Chapter 22:

3.5K 90 4
                                    

Chapter 22:

POV OF FAJUZIA:

Wala kaming pasok ngayon at kasama ko si Eycee sa isang park kasi aalis na din siya mamayang gabi, babalik na siyang korea agad.  

"Kainis ka naman Eycee aalis ka na agad." Tas tinawanan niya lang ako.

"May trabaho ako naghihintay dun Chummy kaya kailangan ko din bumalik."

"Tss. Oo na! Di ka man lang magpapakita kila Sheena at Jenna?"  Tinitigan niya lang ako at parang nag-iba yung aura niya yung sinabi ko pangalan nila.

" Tsaka na lang Chummy."  Nagtaka ako sakanya kasi nag-iba talaga yung itsura niya ng sinabi ko sila Sheena.

"Okay sabi mo eh. Pero ayaw mo ba talaga akong sumama sa airport?"

"Ayaw ko baka isama kita sa Korea." Tapos tumawa siya.

"Luh? Baliw ka! Pero ganyan ka eh, uuwi dito sa Pilipinas tapos aalis din agad. Umuwi ka pa!" Nakakatampo kasi siya , ang tagal niyang di umuwi tapos biglang ganito.

"Mamimiss mo ba ako agad? Tara sumama ka sa akin sa Korea."  Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ayoko nga." Aray ko! Bigla ba namang kinurot yung pisngi ko.

"Babawi naman ako sayo e pagsumama ka sa akin sa Korea."  Tiningnan ko ng masama si Eycee.

"Ewan ko sayo."

"Nagtampo na agad siya." 

" Tss. Sa susunod kasi kung uuwi ka dapat matagal tsaka madaming pasalubong." Bigla siya tumawa sa sinabi ko.

"Sus. ayun lang pala ang gusto. Oo sige sa susunod bibigyan kita ng madaming gummy bear." Napatawa ako sa sinabi niya.

" Dahil sayo nahawa ako sa pakaadik  mo sa gummy bear." Tas bigla siya naglabas ng gummy bear.

"Nakasanayan eh. Gusto mo?" Tinawanan ko siya.

"Tatanggi pa kaya ako dyan?" At kumain kami ng gummy bear.Isa toh sa namiss kong bonding namin ni Eycee.

"Chummy." 

"Hmm?"

"Boyfriend mo ba yung Tofer na yun?" Napatingin ako sakanya.

"Oo boyfriend ko siya.Bakit?"

"Masaya ka naman sakanya?" Napatigil ako sa pagkain ng gummy bear.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon