Chapter 14:

4.5K 106 1
                                    

CHAPTER 14:

POV OF FAJUZIA CERVANTES :  

  

Dahil sa pagiging over re-act ko sa nangyari samin ni Tofer sa hagdan. Hindi naman siya bumagsak sa napakataas na hagdan at nilligtas niya lang naman ako ayan NAPILAYAN TULOY SIYA. 

Bwisit kasi na bading yun kung makalapit sa akin at kung makangiti wagas. Nakakairita!

"Fajuzia." Tiningnan ko kung sino yung tumawag sa akin , sila Sheena pala.

"Tss. Buti naman may balak pa kayo magparamdam sa akin?" Tapos tinawanan lang nila ako.

"Sorry Fajuzia, naging busy lang kami. And guess what? " Sabi ni Jenna.

"And guess what Jenna?" Masungit kong sabi sakanya.

"May fans club kayo ni Tofer ah. At yun ay FATO!" Tinaasan ko ng kilay si Jenna.

"At sino may pakana nung fans club na yun?" Sabay taas ng kamay ang dalawa. Sabi na nga ba eh, as expected dito sa dalawa kong baliw na bestfriend.

"Ano na balita sainyo ni Tofer?" Sabi ni Sheena.

"Ayun napilayan, baliw kasi nagkwekwentuhan lang kami tapos ayun napunta sa asaran hanggang nahulog sa hagdan." Tapos tumawa sila Jenna

"Ah ayun pala yung kumakalat na chismis dito. Ano ba kasi pinagkwentuhan niyo at bakit umabot sa sakitan? Sadistda ka pala ha." Pang-asar ni Jenna 

"Tss. Nagtanong lang naman ako tungkol sa lovelife niya." Tapos tumawa ulit sila, ang hilig tumawa nitong dalawang toh.

"Bakit mo naman tinanong? Don't tell me. Naiinlove ka na kay Tofer?" Bigla ako nagulat sa sinabi ni Sheena.

"NO WAY!" Tas bigla ako natahimik.At napansin kong biglang ngumiti sila Sheena

"So there is a way Fajuzia?" Biglang maintrigan tanong ni Sheena. Di ko na lang sila pinansin.

"Wui Sheena, nabalitaan mo ba yung nangyari kay Harry, kasi pansinin mo di siya pumapasok sa klase natin." Biglang singit ni Jenna.

"Hindi eh. Ano nga ba balita?" Bigla ako napatingin sakanilang dalawa di ko pa nga pala nakwekwento sakanila yung nangyari sa party.

"Ehem. Gusto niyo ba malaman yung balita kay Harry?" Pangiti kong sabi sakanila tas sabay tingin kay Sheena.

"ANONG BALITA? DALI!" Sigaw ni Sheena, nako! Halatang gustong-gusto ni Sheena si Harry. Tas ngumiti ako at sinabi sakanila yung nangyari sa party. At ayun tawa ng tawa silang dalawa at nakakahiya silang tingnan.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Onde histórias criam vida. Descubra agora