Chapter 17:

4K 99 0
                                    

Chapter 17:

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

Exam Week namin ngayon at almost 1 week na din na hindi ako kinukulit ni Tofer. 

NAKAKAPANIBAGO. Nasanay kasi ako na kasama ko siya lagi at kinukulit  pero ngayon kasi lagi kong kasama si Harry. 

Pagnakikita ko si Tofer iiwas siya agad sa akin. Ano ba nangyari? Pagkatapos  nung pumunta si Hannah at nabwisit ako kinabukasan nag-iba na yung pakikitungo sa akin ni Tofer.

Nakakamiss din pala siya.

" Mah Bebe Labs." Ha? Mah bebe labs?  Tiningnan ko lang si Harry kasi lumapit siya sa akin.

" Mali ata yung kausap mo Harry?" Tanong ko sakanya. Di ko naman ang Mah bebe labs e.

"No. Simula ngayon ayun ang tawag ko sayo." Napalaki yung mata ko sa sinabi niya.

"What? Mah bebe labs? Hala ka. Bakit ayun pa? Tsaka ayaw ko ng endearments!" Yuck. Ayoko ng ganung endearments noh, Ang baduy (-_-)

"Daya si Tofer may tawag sayo, tas ako wala. Kaya mah bebe labs tawag ko sayo." 

"Bahala ka nga." At bumalik na lang ako sa pagrereview nandito nga pala kami sa library.Sila Sheena at  Jenna naman, nagtatake sila ng exam kaya mamaya pa siguro yung break nila.

"Wui, wag ka na mag-aral baka maperfect mo yung exam." Pangungulit sa akin ni Harry.

"Eh anong gagawin ko? Tutunganga na lang?" Masungit kong sagot sakanya pero tinawanan niya lang ako.

"Sungit mo naman, kausapin mo lang ako."  Tas hinawakan niya kamay ko at ngumiti siya sa akin.

" Gusto mo talaga kausapin kita?"  At hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko.

" Oo naman. " 

"O sige, masasabi mo ba sa akin kung bakit ako iniiwasan ni Tofer?" Biglang inalis ni Harry yung kamay niya sa akin at tumingin.

"Ako na nga kasama mo, siya pa iniisip mo." Seryoso niyang sabi sa akin bigla ako natahimik. Oo nga pala nakalimutan kong may gusto siya sa akin kaya magseselos siya.

" Sorry Harry habang maaga sabihin ko na sayo." Bigla niyang hinawakan yung braso ko na sobrang higpit at masakit yun.

" Mahal kita Fajuzia." 

"Aray ko Harry ! Nasasaktan ako sa ginagawa mo."  Napatingin siya sa ginawa niya sa akin at binitiwan niya ako.

" Sorry Fajuzia." Tumayo ako.

"Di ko aakalain na ganyan ka Harry." At umalis na ako sa Library, jusko nagulat ako sa ginawa sa akin ni Harry. Nakakaturn-off yung ginawa niya.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now