Chapter 26:

2.9K 84 1
                                    

Chapter 26:

POV OF FAJUZIA CERVANTES:

" Mahal na mahal kita Fajuzia."

" Kahit anong mangyari Fajuzia, mahal na mahal talaga kita.Di kita ipagpapalit, ikaw lang talaga sana maintindihan mo ako."

"ANAK GISING KA NA!"  Napatingin ako sa babaeng nagsabi nun at tumingin din ako sa mga taong nasa paligid ko.

"Thank you po talaga God! Maraming salamat talaga." Sabi ng lalaki na medyo may edad na at niyakap nila ako.

"Aray ko po medyo masakit." Tas bigla nila inalis yung yakap nila.

"Ay sorry Fajuzia, anak." 

"Fajuzia? Ayun po ba ang pangalan ko?" Naghihintay ako ng sagot nila kasi para silang nagulat sa tanong ko.

"Ate, di mo ba kami naalala?"  Napatingin ako sa babaeng nagsabi nun.

"Hindi. Hindi ko nga kilala ang sarili ko eh." Natahimik lang sila.

"Ate, ako toh si Mikaela. Ang bunsong kapatid mo, at sila si mommy at daddy natin." Sabi niya. Biglang lumabas sila mommy at daddy para siguro kausapin ang doktor tungkol sa sitwasyon ko.

"Mikaela, ano ba ang nangyari sa akin? Bakit ako nandito?" Lumapit siya sa akin at  hinawakan yung kamay ko.

"Ate Fajuzia, wag mo ng ulit gagawin yun ha." Pinunasan ko yung luha niya. 

"Mikaela, bago ako gumising di ko alam kung panaginip yun pero alam ko boses ng isang lalaki yun . Sa panaginip na yun ramdam ko na mahal na mahal niya ako pero bakit ganito nararamdaman ko parang nasasaktan ako?" Bago makapagsalita si Mikaela biglang dumating yung doktor kasama sila mommy ko at chineck-up ako.

" Musta naman ang pakiramdam Ms.Fajuzia?" Tanong sa akin nung doktor.

"Medyo masakit ang katawan ko po tsaka doc wala po akong maalala." Narining kong nagbuntong hininga yung doctor.

"You have amnesia. It is a condition which your unable to remember things due to shock and emotional." 

"Due to shock and emotional? Ano po ba ang nangyari sa akin bago ako mapunta dito?" Tumingin lang sa akin yung doctor.

"I think you all need privacy, I will go now." Sabi nung doktor.

"Thank you doc." Sabi ni daddy.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now