Chapter 09:

6.6K 153 3
                                    

 

 

 

Chapter 09:

 

  

Grabe 3 days na din pala nakalipas simula ng umamin sa akin si Harry at ligawan niya ako. Pero di ko maalis sa isipan ko yung naging asal ni Tofer kay Harry nun. As in gulong-gulo ako. May sumanib kaya sa bading na yun? O baka nagseselos kasi nililigawan ako ni Harry? Ibig sabihin gusto niya si Harry? Pero bakit ganun? Pagkatapos akong hilain ni Tofer nun wala siyang kaimik-imik at seryoso lang siya. Tas sabi niya lang sa akin ganito.

 

 

" Wag mo na ulit gagawin yun." At niyakap niya lang ako ng sobrang higpit pagkatapos nun iniwan niya na lang ako. Napaka-weird talaga. As in! Aish. Kung anu-ano na pinagiisip ko.

 

 

 

"BESTFRIEND FAJUZIA! " sigaw nila Sheena sa akin at niyakap nila ako.

 

 

  

"Buti naman may balak pa kayo magparamdam sa akin." Masungit kong sabi sakanila.

 

 

 "Napakasungit talaga.Namiss ka namin." Sabi sakin ni Jenna.

 

 

"Pssh. katampo kayo. Porke't parehas kayo ng course. Bihira niyo na lang ako pansinin." Sabi ko sakanila. Tapos ngumiti lang sila sa akin.

 

"Musta na ba ang kaibigan naming masungit?" Tapos tinaasan ko lang sila ng kilay.

 

 

"May manliligaw ako si Harry Villanueva. Model ng company namin." Tapos bigla silang sumigaw.

 

 

"PAANO NA SI TOFER?" Tapos tiningnan ko lang si Jenna.

 

 

"Tss. Bading naman yun eh. Tsaka crush ko si Harry." Sabi ko na lang.

 

 

"Pero gusto mo ba si Harry?" Biglang tanong ni Sheena.

 

 

"Actually hindi pa sa ganung point. Nabigla kasi ako, nasabi kong agad Yes sakanya kahit hindi pa talaga ako handa." Tapos inakbayan ako ni Sheena.

 

 

"You better tell him about what you feel . Wag mo paasahin yun." Tiningnan ko si Sheena.

 

 

"Wait Fajuzia, Harry Villanueva ba kamo?" Biglang sabi ni Jenna

 

"Oo bakit?" Pagtataka kong tanong sakanya.

 

"Siya yung bagong estudyante sa klase natin Sheena. Yung chinito guy na pagngumiti ang bait tingnan. Which is mabait naman talaga siya at gentleman pa.Ganun ba yung itsura ng Harry na nanliligaw sayo Fajuzia?" Masayang sabi ni Jenna. Ughh. Oo nga pala lilipat nga pala dito si Harry at para icontinue yung pagaaral niya. I guess siya nga yung sinasabi ni Jenna.

Ang Boyfriend Kong Bading [COMPLETE]Where stories live. Discover now