Bullet 26

280 12 9
                                    

(A/N: naka fast forward ulit ito ha! Ito na yung day na aalis sila Aya at Ally pa Europe)
[Aya]
Ilang araw na ang lumipas simula nung huli ko siyang nakausap. Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako.

Aya, okay ka lang ba? Tanong sakin ni Thunder habang nakatingin ito sa rearview mirror. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Sure kang okay lang na gawin mo ito? Isa pa niyang tanong sa akin.

Oo Thunder. Para ko na din kapatid si Ally tsaka okay na din ito para makapagbakasyon ako at makalimot kahit papaano. Pilit ko naman siyang nginitian. Sinubukan kong wag mabasag ang aking boses. Ayaw kong umiyak sa harap niya.

Nang wala na itong tanong ay agad kong nilagay sa tenga ko ang earphones ko at pinikit ang aking mata.

Kahit anong gawin ko, palagi kong naaalala yung gabing iyon.

(Flashback)
Excited na ako dahil magkikita kami ngayon ni Zander. Hindi ko alam kung ano ginagawa niya ngayon dahil nitong mga nakaraang araw ay palagi itong wala at busy. Kahit sila Thunder ay walang ideya kung ano ginagawa ni Zander.

Sobrang miss ko na si Zander kaya sobra kong tuwa ng makatanggap ako ng tawag sa kanya para magkita kami sa park malapit dito sa company.

Pagdating ko sa park ay naabutan ko siyang nag iintay kaya agad akong lumapit sa kanya para mayakap siya.

Zander I miss you. Masayang sabi ko sa kanya habang yakap-yakap siya. Nagtaka naman ako kasi hindi manlang siya sumagot at gumanti ng yakap.

Tahimik lang siya at seryoso ang expression niya. Zander may problema ba? Malamig siyang tumingin sa akin bago bigkasin ang mga salitang hindi ko inaasahan na babanggitin niya.

Mag break na tayo. Malamig na sabi niya kaya nawala ang mga ngiti sa labi ko. Nabalot ng kaba ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Z-Zander a-anong i-ibig mong sabihin? Kinakabahan kong tanong sa kanya. Naiiyak na din ako at anytime ay maari nang bumagsak ang mga luha ko.

Break na tayo. Malamig na ulit niya sa sinabi niya. Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko matapos kong marinig ang sinabi niya.

Zander bakit? Anong nangyari? Bakit sinasabi mo ito?! Nagbibiro ka lang diba?! Sabay hawak ko sa kamay niya pero tinanggal niya din ito. Sa ginawa niyang iyon ay parang akong sinaksak ng libo-libong kutsilyo ng paulit-ulit.

Mukha ba akong nagbibiro? Malamig niyang tanong.

Hindi parin tumitigil ang mga luha ko. Wala na akong pakialam kung magmukha akong kawawa sa harap niya. Why Zander? May nagawa ba ako? Nagkulang ba ako? May hindi ka ba nagustuhan na gi—

Wala.

Then why?!!! Why're you breaking up with me? Muli ko siyang hinawakan pero tinalsik lang niya ang kamay ko.

Hindi kita mahal. Tatlong salita na dumudurog ngayon sa puso ko. Pagak akong tumawa sa kanya kahit na patuloy sa pagdaloy sa pisngi ko ang mga luha ko.

Hindi mahal?!! T*ng *na naman Zander!! Ano yung pinakita mo sakin?!! Ano yung pinaramdam mo sakin?! Hindi ba pagmamahal yun?!! Pinaasa mo na naman ba ako?!! Sagutin mo ako!!!! Pasigaw kong sabi sa kanya.

I'm sorry. Tanging sagot niya sa akin. T*ng *nang sorry iyan!! Maiibsan ba niyan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bakit? Bakit Zander? Mahina kong tanong. Diba sinabi ko naman sayo na tigilan mo nang paglaruan yung puso ko. Natawa naman ako ng mapait sa kanya. Pero anong ginawa mo?! Masaya ba?!! Ha?! Masaya ba na nakikita mo akong asang-asa sayo?!! Nakatingin lang siya sa akin. Pumikit ako sandali. Sobrang sakit! Ang sakit sakit!! Hinayaan ko ang aking sarili na umiyak at sa pagmulat ko ay nagtama ang tingin namin.

Love and BulletsWhere stories live. Discover now