Bullet 2

528 19 8
                                    

[Third person]
I would like to Congratulate both of you for a job well done sa mission na binigay ko sa inyo. You never fail my expectation. Masayang sabi ng chief nila. You can go back to your desk and do your report. Sabay na umalis ang magkaibigan.

Nice one bro, as expected sa top agent ng LS Company. Hindi naman umimik ang kaibigan nito at tinapal sa dibdib niya ang papel kung saan ilalagay niya ang report.

Tss. Ingay mo! Sabay upo sa office chair niya.

Bro, punta ka mamaya sa night out na libre ni Chief? Para sa atin yun dahil sa another achievements na nakuha natin. Habol na tanong ng kaibigan niya. Dami din chicks doon. Sabay taas baba ng kilay, nangangahulugang may kalokohan na naman ito sa isip niya.

Pag iisipan ko. Walang emosyon sabi nito at sinimulan ng mag type ng report niya.

Agent K, congrats nabalitaan ko ang ginawa mo sa misyon mo. No doubt ikaw ang top agent dito sa LS Company. Pagbati sa kanya ng co-agents niya.

Tinanguan niya lang ito at nagpasalamat. Siya si Zander Blaize Kim a.k.a agent K. Isa sa pinaka magaling at top agent ng LS Company. Isang sikat na agent company kung saan sila ang humahawak ng pinakaconfidential at pinamahihirap ng trabaho para sa isang agent.
——————————————————
[Aze]
Kaliwat-kanang papuri ang aking natanggap mula sa mga katrabaho ko. Pero wala akong pakialam sa mga papuring aking natatanggap ang mahalaga sa akin ay ang nag iisang misyon ko kung bakit ako sumunod sa trabaho ng tatay ko.

My top priority is to find him and kill him. Sisingilin ko siya sa kasalanan na ginawa niya sa akin at sa pamilya ko. And this job, ang gagamitin kong way para mahanap at mapatay siya. At ang pagiging top agent ang susi para masakatuparan ko ito.

Naramdaman ko ang pagtama ng bolang papel sa mukha ko kaya tiningan ko kung saan direksyon ito galing at agad sinamaan ang tingin ang taong gumawa nito sa akin.

Psh! Kalma bro, halos mapunit mo na iyang papel na hawak mo. Agad naman nabaling ang tingin ko sa papel na gusot-gusot na dahil sa mahigpit kong pagkakahawak. Iniisip mo na naman siya? Tanong nito. Siya si Thunder Chua ang bestfriend ko since bata pa kami. Alam niya lahat ng nangyari sa buhay ko, maging ang plano kong hanapin siya. Siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Kagaya ko nasa top list din siya sa pagiging agent. Wala eh! Magaling din ang tukmol na ito. Psh! Pasalamat ka may bestfriend kang gwapo gaya ko. Agad hinila nito ang office chair niya at lumapit sa akin. Narinig kong may bagong confidential case na ipapahawak sa LS Company ngayon. Sobrang bigatin ng taong magiging client. Mahinang bulong nito sa akin. Confidential case?? Bigating tao?? You know, baka makatulong ito sa paghahanap mo. Tiningnan ko lang siya.

You mean, do you want me to handle that assignment? Patungkol ko sa nais niyang sabihin.

Nadali mo! Malay mo baka makahanap ka ng lead sa taong iyon. Umatras na siya at bumalik sa desk niya matapos sabihin iyon.

Tss. Pag iisipan ko and besides sila Chief parin ang mag aassign noon. Nag focus nalang ulit ako sa pag gawa ng report ko.

Pero di mawala sa isip ko ang sinabi sakin ni Thunder.
——————————————————
Lumipas ang oras at natapos na ako sa lahat ng report na kailangan kong isubmit.

Hindi na ako sasama sa blow out ni Chief. Kailangan ko umuwi ng maaga.

Sure kang di ka sasama bro? Madaming chicks doon. Pang ilang beses nang tanong ni Thunder.

For the nth time agent M, hindi. Wala akong pakialam sa mga babae na sinasabi mo. Distraction lang sila sa misyon ko. Wala sa mood kong sagot. Pag nasa trabaho kami hindi namin maaring tawagin ang mga kasamahan namin ng totoo nilang pangalan. Maski pangalan namin ay confidential para na din sa seguridad namin.

Love and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon