Bullet 5

367 21 25
                                    

[Aya]
Nang magising ako ay agad kong napansin ang mga katulong na matyagang nag iintay sa pag gising ko.

Good morning, young lady. Sabay-sabay nilang sabi sabay bow. Napabuntong hininga naman ako.

Bago kasi maging president si Daddy ay isa siya sa pinaka mayayamang tao dito sa bansa. Sobrang dami namin business at kahit president na siya ay minamanage niya parin ito. Dahil nag aalala ako kay Dad para sa kalusugan niya ay nagpasya akong kumuha ng business course. Second course ko na ang fashion design sa kagustuhan ni Dad na kunin ko ang gusto kong course hindi dahil gusto ko siyang tulungan.

Nag mamanage na din ako ng ilang business namin kaya medyo nabawasan ang isipin ni Dad. I really love my Dad kaya sobra akong nalulungkot pag hindi ko siya nakakasama.

Ahmm... iwan ninyo nalang po yung mga gagamitin ko diyan ako na po bahala. Tatawagan ko nalang po kayo pag may kailangan ako. Agad naman silang sumunod kaya nag bow sila ulit at nagpaalam.

Agad naman akong tumayo sa higaan at kinuha ang towel ko para maligo.

Bago ako pumasok sa bathroom ko, ay napatingin ako sa hidden camera. Sure ba talaga sila na hindi nila nakikita?!

Agad naman akong napailing at tinuloy na ang pagligo.
——————————————————
[Aze]
Tss. Kasalukuyan akong nakabantay sa monitor kung saan kitang-kita ang footage ng buong bahay. Kagabi pa kami nagbabantay ni Thunder pero ang g*go natulog muna.

Ininom ko naman ang kape na nakapatong sa tabing table habang nakatingin sa footage ng kwarto ni Aya.

Madaming tao sa room niya, siguro maids iyon. Tss! Buhay prinsesa.

Mukhang gising na siya. Agad naman kumunot ang noo ko ng mapansin na umalis ang mga tao sa kwarto niya. Di kalaunan ay tumayo na siya at naglakad papunta sa bathroom. Sandali siyang tumigil at tumingin sa itaas. Tss! Diba sinabi na ni Chief na thermal camera ang nakalagay sa room niya. Akala niya ba makikita ko siyang maligo. Tss! Asa naman siyang titingnan ko siya.

Agad ko naman chineck ang ibang footage ng bahay mahirap na baka may makasalisi.

Bro. Agad ko naman nilingon si Thunder na kagigising lang. Tss.

Tumayo na ako at siya naman ang pumalit. Iidlip lang ako sandali. Bantayan mo maigi. Tumango naman ito kaya agad akong nahiga sa kama ko.
——————————————————
[Aya]
Nang matapos akong mag ayos ay agad akong lumabas ng room. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Agent M kasama ang seryoso at nakasandal sa pader na si Agent K.

Seryoso naman sa buhay nitong Agent K na ito, parang laging may pinagdadaanan.

Good morning Miss Aya. Masayang bati ni Agent M.

Good morning. Nag umpisa na akong maglakad kaya sumunod na sila sa akin.

Pagbaba namin ay agad akong sinalubong ni Nay Isay kaya humalik ako dito at binati siya.

Kumain ka muna anak bago ka umalis. Kaya sumunod kami sa dining area.

Habang kumukuha si Nay Isay ng mga pagkain ay napansin ko yung dalawa na nakatayo lang kaya agad kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa ninyo? Tanong ko sa kanila.

Agad naman tumingin sa likod niya si Thunder at alanganin sumagot.

Ahhmm... nakatayo po Miss Aya. Kamot-ulong sagot nito.

Napailing nalang ako. I mean ano pang tinayo-tayo ninyo diyan umupo na din kayo at kumain.

Love and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon