Bullet 6

340 25 6
                                    

(Fast Forward)
[Aya]
Days passed sobrang busy ko dahil sa promotions, mall shows, kaliwat-kanan na guesting, tapings and even photoshoot. Finally, dumating na yung time na iniintay ko ang two weeks vacation.

I asked Dad last week and he said na gagawa siya ng way para makasama ako, I'm so excited dahil ngayon lang kami magsasama ni Dad ng matagal-tagal since pumasok siya sa politics.

Mukhang masaya po kayo Miss Aya. Yeah... kasama ko silang dalawa dahil trabaho nilang sundan at bantayan ako kahit saan ako pumunta. And so far, so good okay naman sila as body guards nakakausap ko sila compared sa dati well, si Agent M lang madalas dahil may kaibigan siyang pipi na parang may menopause sa sobrang sungit.

Hindi ko alam ang real name nila dahil bawal daw ipaalam. Kahit si Dad hindi alam tinanong ko siya nung nakausap ko siya wala din siyang idea.

Ngumiti naman ako kay Agent M. Makakasama ko kasi si Dad sabi niya gagawan daw niya ng paraan para pumunta dito. Nag thumbs up naman sa akin si Agent M samantalang si Agent K ay abala sa pagmamaneho. Wala naman bago sa kanya.

Nang makarating kami ay agad akong bumaba ng sasakyan at patakbong tinungo ang beach, ang ganda talaga dito! Nakakagaan sa pakiramdam. This is the main reason why I bought this place, I fell in love with this place. Dito ako pumupunta pag nagbabakasyon ako.

Hinayaan ko naman na liparin ng hangin ang buhok ko. Napatingin naman ako sa dalawa nagpalinga-linga sila sa paligid para siguro i check ang lugar. Patakbong lumapit naman ako sa kanila.

Pwede bang kalimutan ninyo kahit sandali lang ang trabaho ninyo? Nasa bakasyon tayo oh! Come on lets have fun. Sabay hila sa kanila.

Buong araw nag enjoy lang ako. Psh! Oo ako lang dahil ayaw talaga ng dalawa lalo na si Agent K. Mga Kj!
——————————————————
Nang sumapit ang gabi at bumalik na kami sa bahay nagulat ako ng makita si Dad kaya patakbo kong nilapitan si Dad.

Dad!! Masayang sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

Natawa naman si Dad. How's my princess? Did you enjoy your day here? Tanong nito sa akin.

Yes dad, pero mas masaya ako ngayon dahil you came. Masayang sabi ko.

Ngumiti naman sa akin si Dad. But princess, hanggang bukas lang si Daddy dito. Agad naman napawi ang ngiti ko. Hindi ko rin pala siya ganun katagal makakasama. Akala ko kahit papaano makakapag bonding kami. I've been longing for this moment since I was a kid.

Nginitian ko naman si Dad ng pilit. It's okay Dad, I understand po, may next time pa naman po. I guess I need to wait for that time to come. Pag okay na ang lahat.

Niyakap ulit ako ni Dad. So what do you want to do my princess? Agad naman ako napangiti at sinabi yung mga activities na gagawin namin. Susulitin ko nalang ang time na meron ako with my Dad. Mahirap na ulit na makahanap ng pagkakataon to be with him.
——————————————————
[Aze]
Abala ako sa pagmanman sa lugar ng bigla akong tabihan ni Thunder.

Ang kj mo talaga! Ganda-ganda dito eh, sayang naman. Tss!

We have a job to fulfill Agent M. Wag mong kalimutan iyon. No time para magbakasyon, hindi uso ang salitang iyon sa trabaho natin. Are you done checking the area?

Love and BulletsWhere stories live. Discover now