Bullet 11

324 21 2
                                    

(A/N: ito yung araw matapos ilabas ang issue about kay President)
[Someone]
Gaya ng usapan ito na ang bayad ni boss. Magaling ang ginawa mo.

Agad naman niya chineck ang sobre na inabot ko. Napangiti naman ito. Salamat boss. Pero matanong ko lang bakit gusto ninyo sirain ang pangalan ni President? Tsk! Ususero pa.

Wala ka na doon. Sige na umalis ka na. Pagtaboy ko sa kanya.

Sige boss. Salamat sa uulitin ulit. Tumayo na ito at umalis na. Agad naman akong napangisi. Kung may susunod pa. Agad ko naman sinenyasan ang isa sa kasama ko.

Paglabas ko ng restaurant kung saan kami nagkita ay agad kong tinawagan si boss.

Boss, aregglado na. Pinalinis ko na ang kalat. Nakangisi kong sabi.

Good. Binaba ko na ang tawag at sumakay na sa motor ko.
——————————————————
(Present time)
[Aya]
Days passed at finally nakausap ko na si Dad. Nasabi niya lang sa akin na baka kaya lang daw lumabas ang issue na iyon ay dahil gusto lang siyang siraan dahil nalalapit na ang campaign para sa election.

Napadaan naman ako sa living room dahil magpapaalam ako kay Nay Isay dahil paalis na ako para pumunta sa commitments ko ngayong araw.

Naabutan ko itong nanonood ng balita.
——————————————————
Breaking News:
       Isang lalaki natagpuan patay na palutang-lutang sa isang ilog.
——————————————————
Grabe na ang balita ngayon! Pag hindi dating issue, pagpatay naman. Kawawa naman ang Daddy ko sa hinaharap niyang problema ng bansa.

Nay Isay alis na po ako. Sabay halik ko dito.

Mag ingat ka anak. Grabe na sa panahon ngayon. Paalala nito sa akin.

Opo Nay. Nandiyan naman po sina Agent M at K. Wag po kayo mag alala. Alis na po ako. At naglakad na ako paalis ng mansion.
——————————————————
Nasa sasakyan kami ngayon ng magtanong sakin si Agent K.

Nakausap mo na ba si President regarding sa issue na kumalat? Tanong nito habang nakatingin sa akin gamit ang rearview mirror ng sasakyan.

Oo, Dad said na baka isa lang ito sa black propaganda against sa kanya ng mga kalaban niya since nalalapit na ang campaign for the elections. Sagot ko kay Agent K. Tumango-tango naman ito at binalik na ulit ang atensyon sa pagmamaneho.

Pero kung ako ang tatanungin, gusto kong matalo si Dad sa election. Mas okay pa kung mag focus nalang siya sa business namin instead of mastress siya sa national problem ng bansa and besides dahil sa pagpasok niya sa politics nawala samin si Mom.
——————————————————
[Aze]
Nandito kami ngayon sa photoshoot ni Aya.

Bro, bakit mo natanong kay Aya yung tungkol sa issue?  Iniisip mo ba na pwede ito makatulong sa atin? Tumango naman ako sa tanong ni Thunder.

Nakita mo ba yung lalaki kanina sa balita? Tanong ko kay Thunder.

Alin yung pinatay? Yung natagpuan sa ilog? Tumango ulit ako. Oh! anong meron sa kanya? Kunot-noong tanong nito.

He's one of the admin sa page na pinatrabaho ko sayo. Seryoso kong sabi. Nagulat naman si Thunder dahil sa sinabi ko pero agad din naging seryoso ang mukha niya. Ang suspetsa ko, niligpit na siya ng taong nag utos sa kanya para siraan si President. Sigurado ako na malaking tao ang nasa likod nito. Agad naman akong napatingin kay Aya kaya tumingin na din si Thunder sa kanya. At kung huhulaan ko ang susunod na hakbang nila ay malamag si Aya na ang next target nila. Kailangan namin doblehin ang pagbabantay kay Aya.

Love and BulletsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang