Bullet 17

382 17 41
                                    

(A/N: this chapter is dedicated to AtashaMacapagal tinupad ko promise ko sayo 😉)

[Aya]
Pagdating ko ng mansion ay agad akong pumunta ng kwarto ko. Pagod na pagod ako mula sa taping tapos nakadagdag pa yung nalaman ko tungkol sa kanya.

So... Zander Blaize Kim pala ang pangalan niya. Napangiti naman ako at napailing.

...Pati pangalan ang gwapo.

(Kinabukasan)
Maaga akong nagising dahil pupunta ako ngayon sa taping. Wala parin sila agent M at Zander uhmm... agent K pala.

Miss Aya sakay na po kayo. Sabi sakin ni Agent X.

Nang makarating kami sa taping location ay agad akong naghanda para sa scene na itatake namin medyo heavy na kasi ang mga scenes.

Lumipas ang oras at ramdam na ang pagod ay nagpasya si Direk na magpahinga muna saglit. Kaya agad akong naupo sa isa sa upuan dito sa set agad naman lumapit sakin si ate Judy para dalhan ako ng pagkain at inumin. Nagpapahinga ako at kumakain ng mapansin ko si Ally kaya agad ko itong tinawag.

Ally! Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. Sinenyasan ko ito na lumapit sa akin.

Bakit po Miss Aya may kailangan po kayo? Umiling naman ako sa kanya.

Sorry Ally kung nagmadali ako umalis. Sabi ko sa kanya.

Ayos lang po Miss Aya. Nakangiti nitong sabi sa akin.

Napagalitan ka ba ng kuya mo? Tanong ko dito. Gusto ko pang kilalanin si Agent K.

Hindi naman po, alam naman po kasi niya na nasa OJT ako. Tumango naman ako sa sinabi niya. Nag-aalala lang po siya pag ginagabi ako o inuumaga ng uwi.

Uhmm... nakwento mo ba ako sa kuya mo? Usisa kong tanong dito.

Isang beses lang po pero hindi na po ulit iyon naulit, bakit po? Kunot-noong tanong nito.

Uhmm... wala naman. Wag mo nalang akong banggitin sa kuya mo kasi diba hindi siya mahilig sa mga idol na gaya ko. Baka palayuin ka niya sa akin pag nalaman niya. Gusto pa naman kitang maging kaibigan. Nakangiti kong sabi dito.

Hindi naman po ganun si kuya pero sige po Miss Aya. Nagpasalamat naman ako sa kanya at nginitian siya. Habang naka break ako at may ginagawa siya ay nagkwentuhan kami ng tungkol sa kanya at syempre pati tungkol sa kuya niya.

Nang bumalik na ako sa taping ay doon lamang naputol ang aming kwentuhan medyo madami-dami na din ako nalaman tungkol kay Ally, sa kuya niya at sa buhay nila. Hiningi ko din ang number ni Ally para naman mas makausap ko pa siya.
—————————————————
[Aze]
Nandito ako sa condo ngayon para magpahinga, kagabi nakaduty kami ni Thunder para mag spy kay Loui Choi. Talagang maingat siya sa mga galaw niya. Magkaroon lang kami ng pagkakataon makahanap ng butas sa kanya ay siguradong babagsak sila.

Bro, sure ka ba talaga tungkol sa sketch ni Aya? Tanong ni Thunder.

Oo, hindi ako pwedeng magkamali, tandang-tanda ko ang tattoo ng taong pumatay kay Papa at Mama. Hindi ko mapigilang mapakuyom ang kamao ko sa galit ng maalala na naman ang taong iyon.

Talagang nagkataon na parehas kayo ng hinahanap ni Aya. Diba sinabi sayo ni Aya na iyon ang tattoo ng taong pumatay sa nanay niya noon. Tumango naman ako dito. Mula ng araw na malaman ko ang tungkol sa sketch ni Aya ay agad akong napaisip na baka iisa lang ang taong may kagagawan ng lahat ng nangyari noon. Don't worry bro, hinahanap na nila Chief ang posibleng may-ari ng tattoo na iyon. Pag tapik sa balikat ko ni Thunder.

Love and BulletsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu