Bullet 15

325 17 0
                                    

[Aya]
I'm busy doing my school projects dito sa garden ng makita ko ang sketch pad ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan ang nakaguhit dito.

Kalat na sa news at social media ang announcement na ginawa ko sa concert ko kagabi. Maraming nalungkot dahil sa naging desisyon ko but buo na talaga ang decision ko at wala ng atrasan ito.

Nakatitig lang ako sa sketch pad ko. Good morning Aya! Agad akong napaayos ng upo at mabilis na tinabi ang hawak ko.

Nginitian ko naman si Agent M at binati din ito. Good morning din.

Anong ginagawa mo Aya? Tanong nito at umupo siya sa tabi ko habang tiningnan yung mga papel sa table.

Ahmm... gumagawa ako ng school projects ko. Sagot ko dito.

Ikaw ang gumawa nito lahat? Manghang tanong nito. Tumango naman ako sa kanya. Wow! Ang ganda ng mga design mo! Pagpuri nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat.

Hilig ko talaga ang mag sketch ng mga damit mula pa noong bata ako. Naimpluwensyahan lang ako ni Carms na mag enroll ng fashion designing na course. Nakangiti kong kwento dito.

May lakad ka ba ngayon Aya? Umiling naman ako kay Agent M. Rest day ko ngayon kaya dito lang ako sa mansion maghapon. Balak kong tapusin ang mga school projects ko dahil bukas ay deadline na nito. Sige maiwan na kita mukhang madami ka pang gagawin. Nasa monitoring room lang ako. Tumango naman ako dito kaya nag umpisa na itong umalis.

Lumipas ang oras at abala parin ako sa pag gawa ng mga projects ko. Nagulat nalang ako ng may nagbaba ng tray sa may table kaya nag-angat ako ng tingin dito. Natigilan ako ng makitang si Agent K ito.

Hindi ka pa daw kumakain mula kanina kaya naisip ko na dalhan ka. Gulat parin ako sa ginawa niya. Tss. Don't stare me like that. Just eat it. Kunot-noong sabi nito. Tinigil ko na muna ang aking ginagawa at sinimulang kainin ang dala niya. Why did you do that? Natigilan naman ako sa tanong niya. Seryoso lang ito nakatingin sa akin. Binaba ko naman sandali ang kutsarang hawak ko.

Hindi na ako magtataka kung alam na niya ang tungkol sa ginawa ko sa concert. He has a lot of ways to know it. Gusto ko lang mag focus sa company namin and school works since graduating student ako. Tanging sabi ko at pinagpatuloy na ulit ang pagkain. Ramdam ko parin ang mga titig nito sa akin at iniiwasan kong tingnan siya dahil baka malunod ako sa mga tingin na binibigay niya sa akin at baka masabi ko ang totoong dahilan.

You're lying. Tanging sabi niya na dahilan kung bakit ko siya natingnan muli. Agad ko din  iniwas ito ng makitang nasa akin parin ang tingin niya.

I-I'm not. B-Bakit ko naman gagawin iyon? Tanging sabi ko habang ang tingin ko ay napako sa platong wala ng laman.

Bakit nga ba? Balik tanong nito at bahagyang tumayo. Nag umpisa na din itong ligpitin ang kinainan ko at nilagay ito sa tray. Nasa loob lang ako in case you need something. At naglakad na ito papasok sa loob at iniwan ako.

Napabuntong-hininga naman ako at agad napatingin sa sketch pad ko. Should I tell him?
———————————————————
Nang matapos akong gumawa ng project ko at mag dinner ay sandali muna akong umakyat sa kwarto ko para mag relax sa bath tub. Kailangan ko talaga nito para makapag isip-isip.

Nang matapos ako ay bumaba ako sandali para kumuha ng gatas. Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang mapansin ang papalabas na sina Agent K at Agent M. Mukhang ngayon sila mag rounds para icheck ang area.

Hindi ko na sana papansinin sila at aakyat nalang ng matigilan ako. Sa halip na umakyat ay pinili kong palihim na sundan sila. Ewan ko pero may bahagi sa utak ko na nagsasabi na dapat ko silang sundan.

Love and BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon