Bullet 13

298 17 12
                                    

(3am)
[Aya]
Mommy!!! Pawis na pawis at habol-hininga akong bumangon. Agad akong napahawak sa dibdib ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

...yung panaginip na naman na iyon. Bakit paulit-ulit ko siyang napapanaginipan? Agad akong napatingin sa larawan ni Mommy nasa side table ko.

W-what do you want me to do Mom?

Agad akong tumayo sa kama at nagpasyang lumabas para kumuha ng tubig. Biglang sumama ang aking pakiramdam. Dahil sa panaginip ko natatakot akong matulog ulit. Ayaw ko na makita ang panaginip na iyon.

Nanginginig ang kamay ko habang nagsasalin ng tubig at nagmadaling ininom ito.

Pinikit ko sandali ang mata ko dahil nag uumpisa na naman akong lamunin ng takot ko.

Why are you still awake? Nagulat ako nang may biglang nagsalita sa likod ko kaya di ko sinasadyang nabasag ang baso kaya lumikha ito ng ingay. Agad akong umupo para pulutin ang mga nabasag na piraso ng baso. Hey! Don't pick up!! Nagulat naman ako sa pagsigaw nito.

Aah! Agad naman dumugo ang daliri ko.

Blood... b-blood...

Nagulat naman ako ng may humila ng kamay ko at agad itong sinuri.

May nag flashback sa isipan ko kaya sandali kong pinikit ang mata ko para mawala ito.

Tss. Hard headed woman. Kasasabi lang na wag mo nang pulutin eh! Pagsermon niya sa akin. Tinulungan niya akong linisin ang sugat ko.
——————————————————
[Aze]
Kakatapos ko lang linisin ang sugat niya at kanina pa siya walang imik, nakatulala lang ito. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin na nanginginig ang kamay niya at namumutla siya.

Hey! Are you okay?! Baki— hindi ko na nagawang tapusin ang tanong ko dahil agad ko siyang sinalo. Aya!! Aya!! Pagtapik ko sa mukha niya. Ngunit nanatili itong walang malay. Tss. Mainit siya! Bakit hindi niya sinabi na may lagnat siya? Agad ko naman siyang binuhat at kinausap si Thunder gamit ang earpiece.

Agent M, call Nay Isay. Papuntahin mo siya sa kwarto ni Aya. Hindi na ito nagtanong pa at sinunod agad ang sinabi ko.

Copy. Agad ko naman dinala si Aya sa kwarto niya.

Hindi naman nagtagal ay dumating si Nay Isay. Susko po! Anong nangyari sa kanya? Agad naman itong lumapit kay Aya at sinuri ito.

Inaapoy po siya ng lagnat. Pag inform ko dito. Agad naman itong tumawag ng kasambahay para simulang asikasuhin si Aya.

Bro, anong nangyari? Napatingin naman ako kay Aya na kasalukuyan nakahiga.

She fainted dahil mataas ang lagnat niya. Tanging sagot ko kay Thunder, pero may pakiramdam akong hindi lang iyon ang dahilan. I saw her kanina parang...

...parang may iba sa kanya.

Nang matapos sina Nay Isay asikasuhin ito ay nagkamalay na si Aya pero nanatili parin na may lagnat ito. Ako na ang nagpresintang magbantay sa kanya ngayon madaling araw.
——————————————————
Nakatitig lang ako sa kanya habang siya naman ay natutulog. I know na something is wrong with her and I need to figure it out.

Napansin ko naman ang basa sa kanyang pisngi. Umiiyak siya?

Mommy... mahina niyang sabi. Now I know kung bakit siya umiiyak... because of her mom.

Pinunasan ko naman ang takas na luha sa mga mata niya. Natigilan naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Please Mommy... don't leave. I'm scared Mom. Ilang luha pa ang lumandas sa pisngi niya.

Love and Bulletsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن